Disenyo ng Pinoy sa 2012 Olympic coin

ISANG kakaibang karangalan ang nasungkit  ng isang Filipino graphic designer na nakabase sa London matapos magwagi at mapili ang kanyang idinesenyong commemorative coin  na gagamitin bilang souvenir  sa 2012 London Olympics.

Hindi makapaniwala si Roderick Enriquez hanggang ngayon matapos siya ang magwagi sa design competition ng coin design para sa London Olympics.

Ang kanyang  sporting design ay napili at iimprenta sa milyong piraso na 50-pence, ang pinakamaraming coin na ginagamit sa Great Britain.

Apat na entries ang ipinasok ni Enriquez at ang kanyang design sa wrestling sport ang nakakuha ng pag-apruba ng International Olympic Committee.

Mahigit  30,000 katao ang nagpadala ng kanilang designs sa pinakamalaking competition na isinagawa ng Currency Manufacturer Royal Mint.

Ang designs ay nakatutok sa 31 sports events na gaganapin sa 2012 Olympics.

Sa lahat ng nanalo, tanging si Enriquez lang ang tubong Asia at lahat ay mga taga Great Britains na.

Bilang isa sa mga nanalo, nakatanggap si Enriquez ng one gold at one silver coin kung saan nakaukit ang kanyang Olympic design.

Ang commemorative coins  ay ididisplay sa British Museum.

Ayon kay Enriquez, interesado rin siyang idesenyo ang bagong logo para sa Department of Tourism matapos ibasura ang previous logo, “Pilipinas kay Ganda,” na umani ng negatibong reaksyon.

Sa ngayon, tumututok si Enriquez  sa pagdisenyo ng commemorative coin na gagamitin sa pinakahihintay na royal wedding sa pagitan nina Prince William at university sweetheart Kate Middleton sa April 2011.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply