Disyembre 30, sagrado sana kung hindi hinaluan ng dugong itim

ANO na nga pala ang nangyari sa panukala sa haws op representatibs na baguhin ang araw sa paggunita ng kabayanihan ni Dr. Jose “Pepe” Rizal?

Sa halip kasi na araw ng pagbitay sa kanya, Disyembre 30, 1896, ang paggunita, ipinanukala ang araw ng kanyang kapanganakan.

Hunyo 19 ang petsa no-ong 1861.

Parang gustong palabasin ng mga nagpapanukala na itinadhana simula pa noong Hunyo 19 na magiging magiting na bayani si Ka Pepe.

Isa pa, marami sa mga bayani ang ginugunita ang kabayanihan sa araw ng kanilang kapangangakan at gusto lang ng mga kongres-man na tularan na lang ito.

Para sa atin, parehas na oki ang dalawang petsa.

Kung alin sa mga petsa ang itatakda ng batas na araw ng selebrasyon, nasa kanila na iyon.

Basta ang mahalaga ay bahagi si Rizal ng ating kasaysayan na saksi sa walang humpay nating pagsusumikap at pakikipaglaban para sa pambansang kalayaan.

Aaaaat…para sa tamang landas at hindi kanserus o puno ng korapsyon, pandarambong at pang-aabuso na lipunan at pamahalaan.

oOo

Ngayon nga ay Disyembre 30 na araw ng paggunita ng marangal na buhay
ni Rizal.

Pero nag-iba na ito ngayon dahil may naihalong maitim na dugo rito.

Kakaiba dahil puno ito ng kamatayan.

Tingnan ninyo, naghalo ang balat sa tinalupan sa petsang ito dahil kina Gat Jose Rizal, Saddam Hussein at Abu Sabaya.

Gipusil o binitay si Rizal ng mga Kastila sa Luneta sa araw na ito noong 1896.

At sumunod na rito ang pagbangon muli ni Lapu-Lapu mula sa hukay laban sa mga Kastila.

Kinatawan nina Andres Bonifacio at lahat ng mga miyembro ng Katipunan at iba pang nagmahal at hindi nag-traidor sa bayan sa mga panahong iyon ang sinimulang armadong pakikibaka ni Lapu-Lapu ilang linggo lang makaraang manakop sa Las Islad Felipenas si Ferdi Magellan.

Da res is histori at sa huli, itinanghal na bayani sina Ka Lapu-Lapu, Ka Bonifacio at Ka Jose.

oOo

Disyembre 30, 2000 naman nang bombahin ng mga kumrad ni Abu Sabaya ang LRT at nataong sumabog ang bomba sa Blumentritt Station.

Nagkagutay-gutay ang katawan ng mga inosenteng biktima.

Akala noong una ng mga utak-pulitika na ang mga nagbabangayan na pulitiko noon ang gumawa niyon.

Yun pala, tama ang lead ni Sen. Ping Lacson na may kaugnayan sa rebelyong Abu Sayap ang krimen.

Taong 2006 naman nang bitayin sa petsang ito si Saddam Hussein sa dami ng mga pinagmamasaker nito ng mahigit 140 na Shiite sa Dujail, Iraq.

Hindi na inantay pa ng gobyernong Iraq ang hatol sa kanya sa iba pang mga masaker na ginawa niya umano.

Basta nang matagpuan itong nagmalupit sa kanyang mga kababayan para lang mapanatili nito ang sarili at mga kamag-anak at kumpare niya sa puwesto, hindi na siya pinagtagal pa sa buhay.

Ang pagkakaiba nga lamang ng mga kampon ni Osama bin Laden at ni Saddam kay Rizal, eh, hindi sila naging bayani kundi isinusuka ng nakararami.

Nang bitayin si Rizal, doon nag-alab ang pagmamahal ni Juan sa kanyang bayan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply