DOJ, kinalampag sa paglaya ng ‘Morong 43’

PINAKIKILOS ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Department of Justice (DOJ) upang kaagad makalaya ang tinaguriang Morong 43.

“Binabati ko si PNoy (Pangulong Benigno Aquino III) sa pagbibigay niya ng utos na hilingin sa korte na palayain na ang Morong 43. Sana pasyahan ito ng korte sa lalong madaling panahon para makapiling nila ang kanilang pamilya ngayong Pasko,” ayon kay Escudero.

Iginiit ni Escudero na wala nang dahilan na hindi kumilos kaagad ang DOJ dahil mismong ang ahensiya ang nagbigay ng kautusan upang makalaya ang Morong 43.

Kaugnay nito, humanga naman si Sen. Alan Peter Cayetano sa pagpabor ni Pangulong Aquino sa mga nasabing health worker na kinulong noon pang Pebrero 2010 dahil diumano sa ilegal na pagdadala nila ng firearms at explosives.

Ani Cayateno, ang pagkilos ni Aquino ay nagpapakita ng positibong hakbang patungo sa mailap na pangarap para sa tunay na pambansang pagkakaisa.

“The release of the “Morong 43” certainly augurs well for the administration’s efforts to achieve lasting peace for our people and to seek an end to the conflict that continues to cause loss of precious Filipino lives in the countryside, including those of our courageous and dedicated soldiers,” ani Cayetano.

Pinapurihan din ni Cayetano ang amnestiyang ipinagkaloob ni Aquino sa mga sundalong nag-aklas noong panahon ng administrasyong Arroyo at ang preparasyong ginagawa ng gobyerno para sa panunumbalik ng peace talks nito sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

“We should understand that the intentions are good and idealistic even if we do not agree to the means used in achieving one’s end. Everyone wants progress, peace and development but disagree how to get there,” dagdag pa niya.

Pinayuhan din ni Cayetano ang mga rebeldeng grupo at ang Aquino administration na kilalanin ang sinseridad ng isa’t isa sa pagsusulong ng reporma.

“The government must see the idealism and good intentions on the side of rebel groups, but the rebel groups should now see the sincerity of the new administration especially in striving for good governance, reform and in addressing our people’s needs,” aniya. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply