DOJ pinagpapaliwanag sa Ampatuan massacre case

HINIHINGAN ng paliwanag ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa ginawang state witness nito ang isang akusado sa Maguindanao massacre.

Batay sa 17 pahinang Writ of Mandamus na ipinalabas ni Manila RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr., inatasan nito si Justice Secretary Leila de Lima at ang panel of prosecutors na sagutin ang petisyon ng kampo ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na kumukwestiyon sa hakbang ng DOJ na gawing state witness ang isang Kenny Dalagdag.

Iginiit ng kampo ni Ampatuan na dapat kasama sa mga suspek si Dalagdag dahil nakasaad sa petisyon nito na kasama umano siya sa pagpaplano at pagpatay sa mga biktima ng masaker.

Sinabi ni Judge Pampilo na magtatakda siya ng isang pagdinig hinggil dito sa susunod na taon  kapag  natanggap na niya ang sagot mula sa DOJ.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply