Reimbestigasyon ng Vizconde massacre, posible

MALAMANG na pa-imbestigahang muli ng Department of Justice (DOJ) ang Vizconde massacre matapos mapawalang sala ng Korte Suprema si Hubert Webb at anim pa nitong kasama sa naganap na krimen noong 1991.

Ani DOJ Secretary Leila de Lima, makikipagpulong siya kay National Bureau of Investigation director Magtanggol Gatdula at sa iba pang kasapi ng NBI upang pag-usapan ang posibilidad ng re-imbestigasyon.

“I have to discuss it with them…I want to know how they handled the evidence. I will discuss with Director Gatdula because we are aware of Mr. Lauro Vizconde’s call for reinvestigation,” ani De Lima sa mga mamamahayag nitong Miyerkules.

Si Lauro ang asawa ni Estrellita Vizconde at ama nina Carmela at Jennifer Vizconde. Karumaldumal na pinislang ang tatlong babae sa loob ng kanilang tahanan sa BF Homes, Parañaque City noong June 30, 1991.

Sa nasabing massacre, 13 beses pinagsasaksak ang noo’y 47 anyos na si Estrellita. Si Carmela naman na noo’y 18 y.o. ay sinaksak ng 17 beses at ginahasa pa.

Ang noo’y pitong taong gulang na si Jennifer ay nagtamo ng 19 na saksak. Nasa Estados Unidos si Lauro at inaasikaso ang business ng pamilya nang maganap ang massacre.

Anang DOJ secretary, di komo’t na-acquit na sina Webb ay dapat nang ituring na sarado na ang kaso.

Sinabi rin niya na malaking hamon rin sa DOJ ang paghuli sa dalawa pang nadawit sa krimen – sina Joey Filart at Artemio Ventura.

“How come all these years, walang nag-effort to track them down? One more thing, why are they still in hiding? Flight is indicative of guilt, as legal principles say. Maybe the truth is with the two other accused who are still at large,” ani De Lima.

Naging sensational ang nasabing krimen dahil ang mga nadawit dito ay mula sa mga maimpluwensiyang pamilya.

Si Webb ay anak ni dating senador, actor, at basketball player na si Freddie Webb. Si Antonio Lejano II naman ay anak ng artistang si Pinky de Leon at pamangkin ng actor at ngayo’y board member ng ikalawang distrito ng Batangas na si Christopher de Leon.

Si Hospicio Fernandez naman ay anak ng isang retiradong commodore. Sina Michael Gatchalian at Miguel Rodriguez ay pawang anak ng mga kilalang abogado, samantalang si Peter Estrada at Ventura ay anak mayayamang businessman. Si Filart naman ay pinaniniwalaang kamag-anak ng isang dating ranking police official.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply