Dolphy, na-depress sa batikos ng mga kill-joy

MAKONSENSIYA naman sana ang mga KJ (kill joy) na bumatikos sa King of Comedy na si Mang Dolphy.

Balita namin ay na-depress at tensiyonado si Mang Pidol dahil sa pagbabatikos ng iba ukol sa dalawang eksena sa kanyang entry sa Metro Manila Film festival ngayong taon, ang Father Jejemon na sinsabi ng mga taong ito na panlalapastangan daw sa kabanalan ng Holy Bread o Ostiya.

Actually, mas lalong sobrang OA ‘yung ibang grupo na gusto pang ipa-ban ang movie niya. Grabe naman ang mga taong ito na animo mga sobrang perpekto at wala ni isa mang pagkakamaling nagagawa sa kanilang buhay. Sabi nga sa Bibliya, kung sino man ang walang kasalanan, siya ang unang pumukol ng bato… or something to that effect.

So, mga banal ba at walang sala ang mga taong humuhusga kay Mang Pidol?

Gusto lang magpasaya ng mga tao ng Hari ng Komedya at kung na-offend man ang iba, hindi ba sila marunong magpatawad sa isang pagkakamaling hindi naman sinasadya?  Lalo’t maagap namang umaksiyon si Mang Dolphy upang kusa at boluntaryong tanggalin ang sinasabing objectionable scenes sa kanyang pelikula.

Ano’ng klaseng mga Katoliko ba ang mga ito? Ganyan ba ang turo ng Diyos?

Kung talagang concern ang mga taong ito sa mga ganyang insidente sa pelikula, pansinin sana nila ang maraming (halos lahat) horror movies na ang mga alagad ng demonyo ay mas nananalo pa sa mga alagad ng Diyos, kahit na sa bandang huli na ito ng pelikula. (Correct ka diyan, Nonie! Horror movies are are even more demonic—Ed)

So, sabi nga ni katotong Danny Vibas, ibig sabihin ba nito ay mas makapangyarihan pa ang mga kampon ng kadiliman kaysa sa ating Panginoong Diyos? Matagal na nating napapanood ang mga ganitong tema ng pelikula, pero bakit ang mga maiingay ngayon sa pelikula ni Mang Dolphy ay hindi pumapalag? Mayroon ba silang ibang motibo kaya nila binabatikos at pineperhuwisyo ang King of Comedy?

Resbak kaya ito at benggansa?

Anyway, kaya kami ng misis ko (Maricris) at ang tatlo naming tsikiting, nagkasundo na ang unang papanoorin namin sa MMFF ay ang Father Jejemon ni Mang Dolphy bilang suporta sa kanya. Dapat, ang mga taga-showbiz industry ay suportahan din ng todo ang ace comedian.

Malaking tulong sa industriya kung magiging active ulit sa pagpo-produce ng movies ang RVQ Films na pag-aari ni Mang Pidol.

Sa Hollywood, ang mga tulad ni Mang Dolphy ay sobrang nire-respeto. Hindi ba natin kayang ibigay ang ganoong pagkilala sa isa sa mga nalalabing tunay at original na haligi ng showbiz industry?

* * *

May future sa music industry ang 13 year old na bagets na si Glee Nette Gaddi, anak nina Orly at  Wilmen Gaddi. Walang dudang may-K siya sa kantahan, patunay nito ang nakopo niyang limang awards sa WCOPA o World Championships of Performing Arts bilang kinatawan ng Pilipinas noong 2008.

Kabilang dito ang, Gold – Female Vocal Gospel – Age 8-10, Gold – Female Vocal Open – Age 8-10, Gold – Female Vocal Pop – Age 8-10, Gold – Female Vocal R&B/Soul/Jazz – Age 8-10, at Silver – Female Vocal Broadway – Age 8-10.

Favorite young stars niya si Sarah Geronimo dahil magaling din itong singer. Si Coco Martin naman ang favorite actor niya. Aminado nga si Glee Nette na crush niya si Coco.

“Opo crush ko siya dahil magaling siyang actor at cute pa,” nakangiting saad niya.

Five years old siya nang nahilig sa pagkanta at bukod kay Sarah ay paborito rin niya sina Lea Salonga, Jed Madela. “Kasi, magagaling po silang kumanta, kaya idol ko talaga sila,” sabi pa ng dalagitang singer.

Hindi naman nakaka-apekto ang kanyang pagkanta sa pag-aaral.

“Hindi naman po, puwede naman pong i-balance eh. Basta ang importante lang po ay disiplina at time management.” Esplika pa ni Glee Nette na isang first year high school student sa UST. Sasali siyang muli  sa WCOPA pero kapag naging sixteen years old na siya.

Kung mabibigyan ng break, pwedes daw siya kahit saang network na tatanggap at magbibigay ng break.

Mula noong five years old hanggang sa kasalukuyan ay nagbo-voice lesson siya kay Kitchie Molina at umaasa si Glee Nette na ito ang magiging susi upang maabot niya ang kanyang mga pangarap na maging isang magaling na singer. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply