Donaire aakyat ng timbang kundi lalaban vs Montiel

WALANG magagawa kundi umakyat na lamang ng timbang si Interim WBA bantamweight champion Nonito Donaire (24 wins, 1 loss, 17 via ko’s) kung sakaling pumalpak ang negosasyon sa laban nila ni WBC at WBO bantamweight champion Fernando Montiel (43-2-2) ng Mexico sa February 19, 2011.

Inamin ni  Donaire na mula nang mapabagsak niya si Ukrainian Wladimir Sidorenko sa loob lamang ng apat na round noong nakaraang Linggo ay hindi pa rin tinatanggap ni Montiel ang kanyang hamon na magharap sila sa Pebrero 19, 2011.

Ito ay sa kabila ng pagkumpirma ni Top Rank promoter Bob Arum na tuloy na ang laban nila ni Montiel at ang kailangan na lamang mangyari ay manalo ito sa kanyang laban ngayong Disyembre 11 kontra Eduardo Garcia sa Mexico.

Dagdag pa ni Donaire na posibleng umakyat na lamang siya sa 122 lbs. o super bantamweight division kung sakali mang hindi matuloy ang pinakaaabangan nilang laban ni Montiel at harapin ang mga malalaking pangalan doon.

Si Donaire at Montiel ay may dalawang boksingerong parehong nakalaban — si Rafael Concepcion at Luis Maldonado.

Tinalo ni Donaire sa  sa pamamagitan ng 7th round knockout si Maldonado at nanalo naman via unanimous decision kontra kay Concepcion samantalang parehong pinabagsak ni Montiel sa loob lamang ng tatlong round ang dalawang nabanggit na boksingero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply