Donaire nauna yabang

IGINIIT kahapon ni flyweight champion Nonito Donaire na hindi uubra sa kanya si WBC at WBO titleholder Fernando Montiel sa kanilang bakbakan sa Pebrero 19 sa susunod na taon.

Kasabay nito, tinawanan lang din ni Donaire ang ipinagmamalaki ng Mehikano na mas magaling ito sa kanya.

Bilang patunay umano nito ay ang pagdurog ni Montiel kay journeyman Giovani Soto sa two rounds sa Saltillo, Mexico nitong Linggo.

“That’s what he needs to do,” pahayag ni Donaire.

“It’s time to prove it. That’s what I’m doing, the same thing. I’m going to prove that I’m better than him. I feel that I am better than him and it’s going to be good. I’m

waiting. I’m excited and this is the fight I want.”

Si Donaire naman ay matatandaang dinurog si dating WBA champion Wladimir Sidorenko sa Anaheim, California.

Nabatid na sisikapin ni Donaire na makadalo sa 32nd birthday ni Manny Pacquiao sa Huwebes.

“I’m excited, man. I’m very, very, very excited and I can’t wait to come back and start training again,” wika ng kampeon. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply