Donaire sa Japan muna mag-eensayo

SISIMULAN ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire ang kanyang matinding ensayo sa Japan bilang paghahanda sa nakatakdang laban kontra WBO/WBC world bantamweight champion Fernando Montiel ng Mexico.

Ayon kay Donaire, isang linggo lang sila dito sa Pilipinas at lilipad din agad papuntang Japan at doon sisimulan ang kanyang training kontra Montiel na itinakda sa Pebrero 19 sa susunod na taon sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Ayon pa kay Donaire na pinirmahan na niya ang kontrata para sa laban na ito at ang lagda na lamang ni Montiel ang kailangan upang tuloy-tuloy na ang pinakamalaking laban sa kanyang boxing career.

Inamin din ni Donaire na ito na ang pinakamalaking premyo na kanyang matatanggap mula ng maging professional boxer sya ngunit hindi nito sinabi kung magkano ang halaga nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply