Donaire vs Monteil fight selyado na

ISINAWALAT kahapon ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire na selyado na ang laban sa pagitan nila ni WBO/WBC bantamweight champion Fernando Montiel ng Mexico dahil pareho na silang pumirma ng kontrata.

Dumating sa bansa si Donaire kasama ang kanyang asawang si Rachel at sinabing sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada gaganapin ang kanilang laban ni Montiel sa Pebrero 19, kung saan sila ang tampok sa main event na ipalalabas ng HBO sa pay-per-view sa ilalim ng Top Rank Promotion.

Ayon pa kay Donaire na isang linggo lang sya sa Pilipinas at sa susunod na linggo ay dadaan muna sya sa Japan bago lumipad papuntang San Diego, California upang simulan na ang training.

Kinumpirma rin ni Donaire na pinirmahan na rin ni Montiel ang kontrata kaya tuloy na tuloy na ang kanilang laban sabay pahayag na handa na siya kontra kay Montiel kahit bukas pa ganapin ang kanilang sagupaan.

“Kahit Pasko mag-eensayo ako, para masiguro ko ang panalo kontra sa aking kalaban na matinik din sa bakbakan sa ibabaw ng ring,” ani Donaire.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply