Donation boxes para kay Lacson, todo-bantay

ROUND-THE-CLOCK na binabantayan ng mga kasapi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga donation box nito na nakakalat sa mga shopping mall.

Kamakailan ay inilunsad  ng VACC ang P2-million  campaign fund na gagamitin bilang pabuya sa agarang pagdakip kay Sen. Panfilo Lacson, na hinihinalang utak ng Dacer-Corbito double murder.

Sinabi ni Dante Jimenez, chairman ng VACC, na mula pagbubukas ng mga mall hanggang sa pagsasara ng mga ito ay binabantayan ng mga tauhan ang donation box.

Target din aniya ng VACC na maglagay ng donation box sa Senado. Mahigit na sa P200,000  pledges ang nakakalap nitong donasyon sa pamamagitan ng donation boxes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply