Drug pushers arestado ng PDEA

NADAKIP  ang dalawang hinihinalang kilabot ng drug pushers ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Metro Manila Regional Office (PDEA MMRO) sa isinagawang  buy-bust operation sa kahabaan ng Circumferential Road, Barangay San Roque, Antipolo City sa harapan ng  Rizal Provincial Capitol.

Sa isinumiteng ulat ni Dir.Wilkins M. Villanueva,PDEA Regional Director,Metro Manila Regional Office kinilala ang mga nahuling suspek na sina Julius Garcia, may asawa at residente ng Circumferential road, Manuel L. Quezon Street, Antipolo City at Reynold Gonzalez ng  Block 1 Lot 4 Phase 3D BN II Antipolo City.

Ayon sa ulat matapos magpakilalang PDEA agent ang isang operatiba, bigla umanong  itinulak ito ng suspek na si Garcia na ikinabuwal nito. Sinamantala naman ng isa pang suspek na si Gonzales na mabilis na bumunot ng patalim at tinangkang saksakin ang naturang agent pero nagawang makabuwelo ng agent bago pinaputukan sa binti si Gonzales.

Agad ding dinala sa malapit na pagamutan bago inilipat sa  East Avenue Medical Center sa Quezon Ciy ang suspek na si Gonzalez habang si Garcia ay dinala sa hadquarters para maimbestigahan.

Nakuha sa mga suspek ang may 10 sachet ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 50 gramo  at pera.

Kaugnay nito,pinapurihan naman ni PDEA Director General Usec. Dionisio R. Santiago ang mga operatiba ng PDEA dahil sa pagiging alerto ngayon ng kanyang mga tauhan matapos ang pagsasanay gamit ang makabago nilang inangkat na mataas na kalibre ng baril bahagi ng modernisasyon ng ahensiya upang tapatan ang armadong grupo ng sindikato ng iligal na droga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply