DTI nagpalabas na ng price guide online

SA gitna ng balitang pagtataas ng presyo ng mga pagkaing pang-Noche Buena, , nagpalabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kanilang online price guide.

Inilathala ng DTI ang kanilang suggested price list  sa kanilang website, umaga ng Miyerkules na naka-image file.

“SRPs apply nationwide, unless specified. SRPs apply to both supermarkets and wet markets unless specified,”  saad dito.

Pinapayuhin din ang mga consumers na tingnang maigi kung tama ang timbang at price tags ng produktong kanilang bibilhin at agad na tumawag sa DTI hotline sa 7513330 kung nais magreport ng mga violations.

Kasama ang mga produktong ham, pasta, elbow and salad macaroni, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, spaghetti sauce, mayonnaise, tomato sauce, creamer, keso de bola (cheese ball), condensed milk, and evaporated milk, sa ginawan ng suggested list price.

Umaabot sa 155  kada (500 kg) hanggang 657 kada (1.4 kg) ang cooked ham habang SRP Chinese style ham (raw) ay P521.60 (3 to 4.5 kg). Chinese Ham (bone-in) ay nagkakahalaga ng P597.95 (3 to 10 kg).

SRP ng pasta ay umaabot sa P32.75 (400g) hanggang P211.50 (2.5 kg), habang ang elbow at salad macaroni ay umaabot saP26 (200g) hanggang P348.75 (5 kg).

Habang ang Spaghetti sauce ay P19.85 (250g) hanggang P83 (1 kg), ang tomato sauce naman ay P10.90 (115g) hanggang P60 (1 kg) ang presyo.

Cheese, sandwich spread at mayonnaise ay may presyo na P22.90 (sandwich spread 80 ml) hanggang P541.20 (quick-melt cheese).

Ang tanyag na Keso de Bola  sa Kapaskuhan ay may presyong P35.95 (400g)  hanggang P340 (cheese ball 750g).

Ang mga Creamer naman ay may presyong P34.50 (250ml) hanggang P54.50 (300g), habang ang condensed milk ay  P29 (250ml) hanggang P52.10 (300ml); ang evaporated milk ay may presyong P10.40 (154ml) hanggang P33.10 (370ml).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply