Early morning rains not due to typhoon –PAGASA

GINISING ng malakas na ulan ang ilang bahagi ng bansa, Sabado ng madaling-araw.

Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi bagyo ang dahilan ng naranasang pag-ulan kundi  bunsod lamang ito ng  cold front na nakakakaapekto sa  Northern Luzon at inter-tropical convergence zone na nakaaapekto naman sa  Mindanao .

Dahil dito, pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente ng Central Luzon at Bicol region sa mga posibleng pagbaha at mga landslide.

“Central and Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Central Luzon and Bicol region, which may trigger flashfloods and landslides while Northern Luzon will have mostly cloudy skies with rains,” batay sa  PAGASA sa kanilang  5 a.m. bulletin.

Matatandaang sinabi ng PAGASA na magkakaroon ng dalawang bagyo na inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong buwan ng Disyembre.

Inaasahan namang makararanas ngayong Sabado ang bansa ng malalakas na pag-ihip ng  hangin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply