Elijah Alejo bagong mamahalin ng mga producer

ISANG tsikiting na naman ang siguradong aakit sa puso ng masa na si Elijah Alejo, six years old. Tatlong pelikula kaagad ang ginagawa niya ngayon na entry pa sa Metro Manila Film Festival, ang “Shake Rattle & Roll”, “Super Inday” at “Rosario”

Dahil bibo at mahusay talagang umarte tulad ni Jillian Ward ay nagpakita ng kakaibang kahusayan sa pag-arte si Elijah kaya naman tuwang-tuwa ang mga producer sa kanya.

Nadiskubre siya ng talent manager na si Jenny Molina at noong una ay naisama siya sa bit roles sa ilang pelikula at TV shows hanggang sa mapansin na ang husay niya sa pag-arte kaya nakakuha na siya nang malalaking roles at pang-filmfest entries pa.

Kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa GMA 7 bilang bagong Kapuso child star at sa itinatakbo ng career ni Elijah, hindi malayong maging next important child actress din siya tulad ng child wonder na si Jillian Ward.

****

Ginastusan ng P5 million pala ang karosa ng Rosario. Bukod kasi sa pinagandang karosa ay nagpagawa pa sila ng 600 na damit na pang-20`s ang dating.

Walang pakialam ang producer ng Rosario kesehodang gumastos sila ng malaking budget basta maipakita at mailabas nila ang tamang aura ng pelikula.

In fairness naman dahil nakuha ng Rosario ang best award.

***

Sa ginanap na parade of stars last December 24 ay hindi naitago ni Mang Dolphy ang pagod na dinanas dahil kailangan pa itong paupuin sa ibaba ng sinasakyan na air con para di masyadong mapagod.

Pero kahit pagod ay nagagawa pa rin ni Mang Dolphy na kumaway sa mga libong-libo tagahanga na nagsisigawan.

Dapat bigyan parangal ng pamunuan ng MMFFP ang nag-iisang Comedy King dahil kahit mahina na ito ay gumawa pa rin ito ng pelikula na magbibigay kasiyahan sa mga Pinoy laging sumusuporta sa pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival.

Mabuhay ka, Mang Dolphy!

****

Thirteen years old na si Bea Benene ngayon at ganap nang teenager pero bawal pa rin ligawan ayon na rin sa young star at parents nito na laging nakasuporta sa kanya.

Nakilala siya nang sumali sa Starstruck Kid noon 2004, hindi pinalad manalo pero nagsimula naman ang suwerte niya sa showbiz dahil nagkasunod-sunod ang project

At that time ay 6 years old lang si Bea at chubby pa ang dating kaya laking gulat namin after six years ay bigla itong pumayat dahil naglalaro pala ng Wushu.

Ngayon ay sunod-sunod na project ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7, every Sunday kasama siya sa Party Pilipinas at ini-link kina Christopher Martin, Joshua Dioniso atbp.

Pero talagang matigas ang paninindigan ni Bea nang makatsikahan namin sa Shakeys kamailan na wala pa sa isip niya ang magka-boyfriend, kahit magka-crush dahil sa showbiz at sport na Wun Su siya naka-concentrate

Naka-bronze medal na siya nang sumabak sa national competition ng Wun Su at March next year ay sasabak siya sa China at sana daw ay manalo siya dahil pangarap niyang mag-ipon ng medal at pangarap din niyang magka-award bilang artista.

Pure Chinese ang father ni Bea at Pilipina naman ang kanyang mother. Tutol ang father niya sa kanyang pag-aartista pero talagang hilig ni Bea ang showbiz kaya walang nagawa ang magulang kundi sundin at suportahan ito sa kundisyon na hindi nito pababayaan ang pag-aaral. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply