Embassy denies report of Pinoy couple’s brutal slay in Kuwait

PINABULAANAN ng Philippine Embassy sa Kuwait ang napabalitang brutal na pagpatay sa isang Filipino couple sa Salmiya, isang distrito sa nasabing bansa sa Arabian Peninsula.

Nakiusap si Philippine ambassador to Kuwait Shulan O. Primavera sa publiko na iwasang magpakalat ng balita na walang sapat na basehan.

“(S)uch irresponsible behavior not only causes undue fear and anxiety among the members of the community but also projects a negative image of Kuwait to the public,” ani Primavera sa isang pahayag na inilabas ng Philippine Department of Foreign Affairs nitong Linggo, December 12.

Ayon sa report ng Philippine Embassy sa Kuwait, agad na pinapunta ni Primavera ang kanyang mga tauhan sa iba’t ibang government agencies sa nasabing bansa sa Arabya upang matiyak ang nasabing ulat ukol sa Filipino couple sa Salmiya.

Ngunit sabi ng embahada ay sinabihan ito ng Kuwaiti authorities na wala silang report ng anumang marahas na pagpatay sa kung sinumang Pilipino sa nasabing lugar.

Ani Primavera, ang iresponsableng pagbabalita ay di lamang pinagmumulan ng takot at pangamba sa komunidad kundi nakakasama rin sa imahe ng Kuwait sa mata ng publiko.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply