ER Ejercito, huhugutin ang kapatid na si Gerald bilang barangay kagawad

NAHALAL na kagawad ng isang barangay sa San Juan si Gerald Ejercito, isa sa mga bunsong kapatid ni ER Ejercito, ang aktor at gobernador ng Lalawigan ng Laguna noong nakaraang eleksyon at nagmumunini na siya sa kanyang puwesto dahil sa mga ordinansa at resolusyon na kanyang hinahabi at saka pa huhugutin siya ni ER sa kapangyarihan.

“Ang balak kasi ng kapatid ko, sa Laguna na ako mag-concentrate. Kaya by 2011, sa Laguna na ako,” pagtatapat ni Gerald, isa ring aktor na nakilala sa mga papel-kontrabida at pangsuporta.

Maraming balak si ER, Emilio Ramon sa kahulugan nito, para sa kanyang utol dahil hindi lang showbiz ang pagsasaluhan nila kundi ang pulitika at pagpapaganda ng Laguna.

“Officially, magre-resign ako sa post ko sa San Juan as barangay kagawad. Nakakapanghinayang pero gano’n talaga ang buhay,” wika ni Gerald.

***

At dahil magpinsang-buo, sa hitsura ay mapapagkamalan mong si Gerald at si Jude Estrada, ang isa sa mga anak ni Joseph Estrada, ang dating presidente ng Pilipinas, ay iisa.

Nang magkita nga kami sa Zirkoh Bar kamakailan kasabay ng pagharap ni Ejercito sa mga peryodistang pampelikula at pagbati ng Maligayang Pasko sa mga ito, si Jude ang nasambit naming pangalan sa pagkamay kay Gerald.

Mabilis naman sa pagkokorek ang peryodistang pampelikulang si Alice Vergara at nagsabing si Gerald Ejercito ang kaharap namin at hindi si Jude Estrada.

Tinawanan lang naman ni Gerald ang pagkakamaling ‘yon.

Isa si Gerald sa mga nagpasigla ng pakikiharap ni ER sa movie press bukod kay Amay Bisaya na aktibung-aktibo sa pagpapakilala sa mga movie reporter tulad nina Ogie Diaz, Alfie Lorenzo, Ethel Ramos, Jobert Sucaldito at iba pa.

Walang kapaguran si Amay dahil kung tanghali ang sosyalan ni ER ay kinagabihan naman ay nasa Alejandro’s Grill and Restaurant sa tabi ng Ynares Sports Complex sa Antipolo City naman ang komedyante kasama sina Rhene Imperial sa isang show.

Kasama ni Bisaya sa pagtatanghal sina Jackstone nina Jimmy Concepcion at Dillon, Jess Sanchez, Richard Duran, Paul Toledo, Hotcakes at iba pa.

Kaya lang ay inabot sila ng ulan pero game na game pa rin silang kumanta at sumayaw.

Sa December 18 naman ay si Dinah Dominguez ang pagpapalabas kay Rhene.

***

Mayorang-mayora naman ang hitsura at hilatsa ni Maita Sanchez bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Ang aktres na nakilala sa mga action movies ay maganda at mestisang mayora.

Ano nga ba ang kanyang Christmas wish? “Basta’t ang Christmas wish ko lang ay makapagpaligaya ng mga tao sa amin. ‘Yon, maligaya na ako.”

Kasama nina ER at Maita ang kanilang mga anak para masilayan ng showbiz dahil mga artistahin din ang mga ito.

Sa ika-8 ng Disyembre ay may pasinaya si Sanchez sa kanyang bayan kasabay ang kaarawan ng Birhen ng Guadalupe na siyang patron saint ng kanyang teritoryo at gustong dumayo ni Alice Vergara sa malayong lugar para lang makiisa sa pagdiriwang sa birhen. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply