ER Ejercito, nagpaulan ng papremyo

NAGPAULAN ng papremyo sa movie press ang magiting na Governor ng Laguna na si ER Ejercito sa ibinigay niyang early Christmas Party recently. Kasama ni Gov. ER ang misis na si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez Ejercito at ang nagguguwapuhan at magaganda nilang supling na sina Eric, Jeff, Jericho, at Julia.

Hindi magkamayaw sa kasiyahan ang mga press sa mga papremyong ipina-raffle tulad ng 20 sacks of rice, 20 DVD’s, 20 21 inches colored TV, 20 washing machines, 20 refrigerators, at  cash prizes mula 5K, 10K,  20K hanggang tumataginting na 30K. Kaya naman lahat ay may baong ngiti sa paglabas ng Zirkoh, Tomas Morato na siyang venue ng naturang party na pinamahalaan ni katotong Jobert Sucaldito at ng kanyang masisipag na kagrupo.

Actually, nasabi ni Gov. ER na ang naturang party para sa press ay kasabay din ng kanyang 26th anniversary sa showbiz.

Sa naturang okasyon din ay ipinagmalaki ni Gov. ER ang mga nagawa na niya at gagawin pa para sa kanyang mahal na lalawigan ng Laguna.

“The province of Laguna is now known as the resort capital of the Philippines, because Laguna has more than 500 resorts and hot springs.

Laguna is also known as the Detroit of the Philippines, because we have more than six, the biggest six car manufacturers in the Philippines are in Laguna, headed by Ford Philippines. And Laguna is also called as the Silicon Valley of the Philippines, because we have so much semi- conductor factories and companies in Laguna.

“Kaya we have three titles, Resort Capital of the Philippines, Detroit of the Philippines, and the Silicon Valley of the Philippines.

And gusto ko ring ipagmalaki na ang literacy rate of the province of Laguna is 98percent. We have so many schools, universities and colleges, headed by UP Los Banos,” mahabang saad niya.

Kabilang din sa kanyang plano para sa Laguna ay ang pagre-rehabilitate sa Laguna de Bay, na ayon pa kay Gov. ER ay ang 3rd biggest lake sa Asia.

Incidentally, mapapanood si Gov. ER sa Metro Manila Filmfest sa pamamagitan ng entry na isang higanteng tambalan nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto na may titulong Si Agimat at Enteng Kabisote.

*  *  *

Hindi dapat palagpasin ang matagal ko nang inaabangang show nina Richard Poon and Rico J. Puno this coming December Dec. 10 Friday, na pinamagatang POONung-PUNO. Gaganapin ito sa Zirkoh, Tomas Morato sa ganap na 9:30 ng gabi.

Makakasama ng dalawang matinik sa kantahan sina Billy, Kristel Herrera at John Quizon. Kabilang naman sa front acts sina Kriz Ramos, Texs, at ang saxophonist na si John Ray. Ang POONung-PUNO ay ipinrodyus nina Neal Gonzales, Caloocan Rep. Mitch Cajayon at ni Jobert Sucaldito ng Front Desk Entertainment Production.

Ang beneficiary ng naturang show ay ang Mata Ng Caloocan Foundation, Incorporated.

Ang sponsors ng show ay ang General Insurance Corp., Mang Inasal (West Avenue and Marketplace Kalentong branches), Mang Inasal Main, Figaro UN Avenue, Hair Jobs Salon ( na matatagpuan sa K-1st corner Judge Jimenez Sts., Kamuning, Q. C.), Laguna Gov. ER Ejercito, Madam Vicky Cu of Vigan, Ilocos Sur, MET Tathione, Quadro Frames at si Sen. Bong Revilla Jr.

* * *

Salamat sa pag-imbita sa amin ng kasama sa ENPRESS na si Rose Garcia sa masayang Christmas Party para sa entertainment press ng PPL Production ni Perry P. Lansigan Jr.

Sa naturang Thanksgiving party ay dumalo ang mga sikat na artistang mina-manage ng PPL tulad nina Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Geoff  Eigenmann, Angelika dela Cruz, Carlo Gonzalez, Carl Guevarra, at ang original na alaga ng PPL na si Dingdong Dantes.

Although hindi kami pinalad na manalo sa raffle, marami namang giveaways ang aming nadala pauwi.

Salamat din sa pakikiramay ng PPL sa namayapang biyenan ko na si Mrs. Silvina Valdez na inilibing na sa Himalayang Pilipino last Tuesday (Dec. 7). Kukunin ko na rin ang chance na ito upang pasalamatan ang lahat ng nakiramay sa aming pamilya sa panahon ng aming pagdadalamhati. Again, thank you po sa inyong lahat. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply