Erich Gonzales, mapanlait, mapagmura kaya kinaiinisan ng kapwa mga artista

NAGPAPATULOY ang kung ano-anong pang-iintriga sa pag-uugali ni Erich Gonzales.  Laging tumutukoy sa kagaspangan ng kanyang pagtrato sa kapwa tao ang isyu.  Madulas daw ang kanyang dila sa bilis magbitiw ng mga salitang pagmumura.  Diumano, wala siyang pakialam sa mga maliliit na taong nasa kanyang paligid na nagtatrabaho lang.  Para daw walang respeto ang magandang aktres sa damdamin ng kanyang kapwa kahit makapanakit siya sa pamamagitan ng kanyang mga salita.

In fairness naman kay Erich ay ilang ulit na rin naman siyang nakapag-deny tungkol sa mga ibinibintang sa kanya.  Kaya lang, hindi naman natatapos ang mga pagbubulgar tungkol sa umano’y masama niyang pag-uugali.

Kung umasta raw ang ka-loveteam ni Enchong Dee ay para daw anak ng mga nakaririwasang pamilya.
Pakitang-tao lang daw ang pagiging sweet ng young actress kapag siya’y nasa harap ng kamera, o kaya’y kapag iniinterbyu siya.

Marami daw mga galit na kapwa niya mga artista si Erich.  Malaki raw kasi ang ipinagbago ng ugali nito magmula nang makapagbida na sa telebisyon at pelikula.  Lihim pa lang iyang pinag-uusapan sa ngayon.

Kaya abangan na lang natin kung sino sa mga kaibigan niya ang magpapatotoo, na yumabang na nga ang young actress.  Pero kung tutuusin, dapat mag-ingat si Gonzales.  Kasi nga, napaka-unstable pa rin ng kanyang kasikatan.  Hindi naman masyadong tumabo sa takilya ang movie nila ni Enchong.  Tingnan n’yo, medyo lumamlam na ang kanyang kasikatan.  Kasi nga, puro kanegahan ang nababalita tungkol sa kanya.

RICHARD GUTIERREZ, HUWAG SANA TUMABA

IWASAN sana ni Richard Gutierrez na tumaba siya, dahil ang unang hinahanggan sa kanya ay ang kanyang kaguwapuhan, katulad din noon ng kanyang daddy na si Tito Eddie Gutierrez.  Para kasing hindi kaaya-ayang panoorin si Chard kapag halata mo sa kanyang rehistro sa giant screen, na malusog siya at medyo may tiyan.

Ipaubaya na lang niya ang pagiging malusog sa kanyang kakambal na si Raymond Gutierrez, dahil ang panlaban naman ng brother niya ay ang kahusayan mag-host.

Sa dami ng mga proyektong nakaplanong gawin ni Richard sa telebisyon at pelikula, ay hindi na rin malayo na makakuha siya ng tropeyo bilang best actor.  Kasi nga, hindi na rin naman siya bumabata, at humuhusay na rin naman siyang umarte.  Ngayon pa nga lang ay marunong nang mamili si Richard ng magagandang proyekto na gagawin, at mayroon din naman siyang karapatan na makialam para sa mas ikagaganda pa ng project.

Producer na rin kasi siya.

Hindi rin takot si Richard na gumawa ng mga bago para sa kanyang movie career.  Katulad na lamang next year.  Hindi na pampakilig lang ang tipo ng kanyang magiging valentine movie.  Sa katunayan, isa si Eugene Domingo sa kanyang pinili para maging kapareha niya.  Sa totoo lang din, isa sa mga pangarap ng anak ni Tita Annabelle Rama, ay ang magkaroon din siya ng movie kasama ang Star for all Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto.  Ah, basta!  Dahil sa pagiging seryoso ni Chard sa kanyang career, mukhang magkaka-award na siya next year. Melchor M. Bautista

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply