Ervic Vijandre, muntik masuntok ng kasama ng BF ni Princess Snell

SI AUBREY Miles pala ang nagpa-reserve sa isang bar para magkaroon ng get together ang mga kasamahan niyang castaway sa Survivor Philippines.

Natural na aasahan ng castaway ay sila-sila lang ang magkikita sa ipina-reserve na table pero ang hindi alam ng castaway ay bitbit ni Princess Snell ang Australian boyfriend nito na may kasama pang kaibigan.

Sumali raw ang mga ito sa ipina-reserve na table at hindi naman raw ipinakilala ni Princess sa grupo kaya nagawang sitahin raw ni Ervic ang kaibigan ng boyfriend ni Snell kung bakit sila nasa table na ipina-reserve para kanilang castaway group na nagsumbong naman kay Princess.

Lumapit daw ito kay Ervic at nakipag-girian, mabuti na lang daw naawat kaya hindi na umabot sa gulo.

Tsika pa na muntik nang masuntok si Ervic na nakaiwas lang pero tsika naman ng kampo ni Princess, si Ervic daw ang unang umambang manununtok.

Dahil sa nangyari ay galit si Princess kay Ervic pero kinampihan naman ng mga kasamahan niyang castaway ang ex-boyfriend ni Marian Rivera dahil dapat ay sila-sila lang talaga ang nandoon sa ipina-reserve na table ni Aubrey.

Ngayon ay nag-iingat na si Ervic dahil parang mainit na rin sa kanya ang lahat, lalo na dumarami ang nairita sa kanya dahil sa Survivor Philippines.

ENZO PINEDA, MUNTIK NAPUTOL ANG DALIRI SA KAGAT NG ASO

Grabe ang sugat na tinamo ni Enzo Pineda nang kagatin ng alagang aso na daschund.

Dalawang daschund ang alaga niya at naghaharutan daw ang mga ito habang hawak niya ang isa.

Tsika sa amin na mainit na raw ang harutan ng dalawang aso at nakagat ng isa yun isa na iniwas naman ng actor..

Gumanti raw ang nakagat na asong iniwas ni Enzo, pero ang kaliwang hintuturo niya ang nadale ng kagat. Malas pa ay wala ng bahay ang kaniyang magulang at wala rin siyang driver para maghatid sa kanya sa ospital kaya walang choice kahit hirap ay pinilit na lang ng sarili magpunta ng ospital para malapatan kaagad ng lunas ang tinamong kagat ng sariling aso.

Ang sabi raw ng doctor sa ospital sa kanya ay mabuti nagpatingin kaagad dahil halos madurog na raw ang daliri nito. Umabot raw ng P40,000 ang nagastos ni Enzo sa pagpapagamot ng tinamong kagat sa daliri.

Ngayon ay hirap siya magsayaw dahil nakabenda pa rin ang daliri na muntik nang maputol sa kagat ng alagang niyang aso.

DJ MO, SERYOSO SA PANLILIGAW KAY RHIAN RAMOS

Seryoso talaga si DJ Mo Twister sa panliligaw kay Rhian Ramos. Sabi ni Mo nang makatsihan namin sa taping ng Juicy last Monday sa Studio B, TV5, pinagdiinan na seryoso siya talaga sa ginagawang panliligaw sa mestisang actress ng GMA 7.

Nakarating na rin pala kay Mo na gusto raw ligawan ni Aljur Abrenica si Rhian at hindi naman ito nagalit or nagselos kay Aljur.

Sa halip na magsalita ng hindi maganda ay papuri pa ang ibinato nito sa naging kapartner ni Rhian sa Ilumina. “Okey naman si Aljur. Wala akong nababalitaan na chickboy ito. Kung totoo balak din niyang pormahan si Rhian, good luck!  Makikialam lang siguro ako kung alam ko na hindi okey si Aljur. Basta, whatever happens ay nandito lang ako para kay Rhian,” pahayag ni Mo na halos wala na yatang pahinga.

Everyday siyang napapanood sa Willing Willie at co-host din siya nina Cristy Fermin, Dolly Ann at Ruffa Gutierrez sa “Paparazzi” at “Juicy” nina Cristy, Alex Gonzaga at Shalala.

****

Halos magkakasabay ang Christmas party ng Network at Thanksgiving party para sa press ng mga artista kaya di magkandaugaga ang mga ito kung sino ang uunahin.

Buti na lang yung iba kahit parehong day ng party ay hindi naman magkapareho ng oras para magkaroon ng pagkakataon ang mga press na makapag-lagare.

Nalaman na rin siguro ng mga magpapa-party na kasabay nila ang party ni ganoon kaya sila na rin ang nag-adjust ng oras para mapuntahan ang kanilang imbitasyon.

Ang problema lang diyan ay ‘yung hindi maiimbitahan at baka maulit uli ang nangyari sa thanksgiving lunch ni Batangas Governor Vilma Santos sa press na kung saan dinagsa ito ng mga uninvited guests.

This time, makapasok kaya ang mga ito? Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply