Estudyante sasanayin ng LTO sa batas-trapiko

TARGET ng Land Transportation Office (LTO) ang mga matataas na paaralan sa bansa, partikular sa Metro Manila, para mabigyan ng kaalaman at sanayin sa mga batas-trapiko.

Ito ay makaraang pormal na sinimulan kahapon ng LTO, sa pangunguna ni LTO chief Virginia Torres, ang “Kick-Off Yes! Move Campus Caravan” na pinasimulan sa Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Lungsod Quezon.

Ayon kay Torres, layunin ng LTO na imulat ang mga kabataan sa mga kaganapan sa lansangan, kung saan marami ang nasasawi dahil sa paglabag sa batas-trapiko, gaya ng hindi paggamit ng tamang tawiran, footbridges at iba pa.

Sinabi ng LTO na kung habang bata pa lamang at maimumulat na ang kanilang kaisipan sa mga malagim na aksidente sa lansangan dahil sa hindi pagsunod sa batas-trapiko, posibleng maging masunurin sila sa batas-trapiko hanggang sa kanilang pagtanda.

Binigyang-diin ni Torres na mahalagang maisama sa pagtuturo sa mga mag-aaral ang batas-trapiko.

Aniya, ang dagdag-kaalaman na ito ay makatutulong sa kanilang pagkuha ng eksaminasyon kaugnay ng pagkuha nila ng driver’s license.

Isandaang paaralan ang target ng LTO na mabigyan ng mga lektyur ukol sa batas-trapiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply