Fake credit card syndicate, nabuwag ng pulisya

TIMBOG ang anim na miyembro ng isang sindikato na responsable sa pamemeke ng mga credit card sa Pasay City, Miyerkules ng gabi.

Nabatid na inaresto ang anim matapos magsagawa ng ilang linggong  surveillance.

Ayon sa inisyal na report, naaresto sa isang building sa  Newport City, naturang lungsod ang dalawang suspek na sina Joseph Christopher Usi at Edwin Sy.

Narekober naman sa anim na suspek ang mga pekeng credit cards na ginagawa ng mga ito.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon, naglalagi ang mga miyembro ng naturang sindikato sa mga casino sa Pasay City area kung saan nila isinasagawa ang kanilang modus.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply