Fearless forecast: Top grosser ang Agimat at Enteng Kabisote

BATAY  sa pagpuri ng mga nanood sa premiere showing ng “Si Agimat at Enteng Kabisote” na naganap sa Cinema 9 at 10 noong Disyembre 21 sa MegaMall, sigurado na top grosser ang pelikula sa 36th Metro Manila Film Festival (MMFF)!

“At malayong-malayo ang agwat sa kasunod,” narinig namin na idiniing sabi pa ng mga ibang nanood.

Sa aming palagay, parang nanood ka ng “two movies in one.” “Parang gano’n nga, two movies in one,” masaya na sinabi ni Vic Sotto at inayunan din ni Bong Revilla Jr, noong nakapanayam namin silang dalawa pagkatapos ng palabas. Ngayon lang nangyari na may “two movies in one,” isang action at isang comedy. Ngunit hindi naman talagang magkahiwalay na dalawang pelikula kundi mahusay lang ang pagtakbo ng istorya.

Isang taga-lupa si Enteng Kabisote at taga-ibang planeta naman si Agimat. Dahil sa isang malaking problema, nagkatagpo ang dalawang bida at pinagtulungan na puksain ang mga mababangis na demonyo!

Ano ba ang nakakaakit na elemento ng pelikula? Isa ito ang agimat! Basta may agimat, sinusundan ng mga tao. Dahil ang agimat, totoo man ito o hindi, ay parang ginto na hindi kukupas sa isipan natin, may puwersa na pupuksa sa ano mang problema, at sana ay mayroon din tayong sariling agimat para ayos na palagi ang buhay!

At dahil bawat isa sa atin ay may tinatawag na “the child in everyone of us” kahit may edad na, gusto pa rin natin pakinggan o panoorin ang milagro ng isang agimat. Dahil ang agimat ay walang kamatayan na elemento ng lahat na tradisyon o kultura ng mundo.

Basta may agimat, nandiyan tayo!

Kay Vic Sotto, magic naman ang ipinapairal. Biglang nawawala, biglang sumusulpot! Maliban sa mga bata na gustong-gustong manood ng magic, gano’n din ng mga may edad na, dahil “the child in us” ay hihilain tayo upang manood!

“Pinag-iingatan ko ang aking agimat,” ani Bong. “Mana ko ito sa aking ama (Sen. Ramon Revilla Sr.), na siya ang nag-umpisa ng mga makulay na pelikula na may rekadong agimat!”

Sila Sam Pinto at Gwen Zamora ang mga bagong artista ng “Si Agimat at Enteng Kabisote. Si Sam ang love-interest ni Agimat at si Gwen naman ang para kay Inteng. Lima ang producers ng pelikula: Imus Productions (Kay Bong), M-Zet Productions (kay Vic), GMA Films, Octo-Arts, at APT Entertainment.

Mga iba pang artista ng pelikula, na idinirehe ni Tony Reyes, ay sila Amy Perez, Bing Loyzaga, Aisa Seguerra, Oyo Sotto, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, ER Ejercito, at si child wonder Jillian Ward.

NO INSULT TO INJURY

Wala tayong balak na ikuskos ang isang dakot na magagaspang na asin sa sariwa pang sugat, o makisawsaw pa sa isyu ni Comedy King Dolphy kung saan nainis ang simbahan Katoliko sa kanya dahil sa pagpapatawa na hindi naman nararapat.  Ang pagkalaglag ng Sagradong Ostiya sa pagitan ng dibdib ng isang babae habang ito ay isinusubo sana sa kanya ni Father Jejemon (Dolphy).

Saang lugar man sa mundo, mahigpit na nirerespeto ng ano man klaseng relihiyon o pananampalataya at hindi dapat gawin nakakatuwa o laitin dahil gusto lang natin magpatawa.

Sa Simbahan Katoliko, ang pagkakamali na ito ay binansagan ng “blasphemy,” at ang parusa noon ilan daan nang taon ang nakaraan ay bitay, nakatiwarik sa krus at sinusunog ang katawan ng nagkasala

Sa paggawa ng pelikula, mag-ingat sana palagi para walang malait o mapagtatawanan na relihiyon o paniwala! Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply