Fetus itinapon sa kalsada

NAGKAGULO ang mga residenteng dumadaan at mga motorista nang isang pitong buwang gulang na fetus ang natagpuang itinapon ng umano’y walang pusong ina nito sa gitna ng kalsada habang nakalagay sa kahon ng sapatos bago isinilid sa plastic bag sa Caloocan City, umaga ng Lunes.

Dakong 7:00 ng umaga nang matagpuan ang lalaking fetus sa kahabaan ng Main Road, Phase 2, Package 2, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, isang nagngangalang Aida Corales, kagawad ng Brgy. 176 ang nagparating sa mga awtoridad hinggil sa pagkakatagpo sa fetus na basta na lamang iniwan sa gitna ng kalsada.

Posible umanong biktima ng abortion ang fetus kaya’t patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nagtapon ng kawawang anghel upang papanagutin ito sa batas.

May palagay din ang pulisya na residente rin ng naturang lugar ang may kagagawan ng pagtapon na posibleng iniwan ng madaling araw bago matagpuan ng mga residente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply