Fire marshall ng Tuguegarao sinibak

SISIBAKIN sa puwesto si Tuguegarao City Fire Marshall C/Insp. Neil Caranguian matapos masunog ang Bed anf Breakfast Pension House na ikinasawi ng 16 at ikinasugat ng  anim na iba pa.

Nabatid na ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang pagsibak kay Tuguegarao City Fire Marshall C/Insp. Neil Caranguian.

Ayon kay Robredo, inilabas niya ang relief order upang bigyang-daan ang isasagawang imbestigasyon hinggil sa tunay na pinagmulan ng sunog.

Batay pa kay Robredo, pinaiimbestigahan na  rin si Tuguegarao City Mayor Delfin Ting dahil sa nabigo umano itong magpatupad ng Tuguegarao City Business Permit Section ng safety inspection sa gusali at ang hindi nito pagkakaroon ng fire safety inspection clearance para sa taong ito.

Nasawi sa naturang sakuna ang mga nursing graduates na sina Jerome Saet, Francis Caranas, Nelmar Galapia, Marlon Justin Viernes, Ryan James Malako, Richard Allan Gonzales, Roswaldo Respicio, Narl Gensan Lopez at Henderson Ludivico na pawang mga estudyante ng University of La Salette sa Santiago City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply