Firecrackers zone ipinatupad sa QC

IPINATUPAD ng Quezon City Police District (QCPD) ang firecrackers zone sa lungsod bilang pagtalima sa kautusan ni PNP Director General Raul Bacalzo upang maiwasan ang pagdami ng mga madidisgrasya sa paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ang nasabing hakbang ng PNP ay kasunod ng paglulunsad ng Department of Health (DoH) sa Oplan Iwas Paputok.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Benjardi Mantele, inatasan na niya ang mga station commander ng QCPD na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay upang mahigpit na ipatupad ng maaga ang firecrackers zone, na taon-taon na ring gagawin.

Pinatutukan din ni Gen. Mantele ang mga nagtitinda ng malakas na uri ng mga paputok tulad ng plapla, bawang at iba pa para maiwasang madisgrasya ang mga paslit at matatanda.

Nagbabala naman ang PNP chief na tatanggalin sa pwesto ang sinumang pulis na mahuhuling nagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply