Football Semis PHL vs Indonesia ayaw gawin sa Pinas

DAHIL walang suporta o walang hilig ang mga Pinoy sa larong football, malabong sa Pilipinas ganapin ang isa sa mga semi-final matches ng RP football team kontra Indonesia sa pagpapatuloy ng hostilidad sa AFF Suzuki Cup.

Ibinulgar ni RP team manager Dan Palami isa sa mga semi-final match ng PHL football team kontra sa Indonesia na nakatakda sa Disyembre 16 ay dapat sa Pilipinas ang venue dahil sa format ng torneo na home-away match-up kung saan isang laro dito sa Pilipinas at isang laro sa Indonesia.

Nalungkot si Palami matapos sabihin ng tournament organizers na wala raw venue sa bansa na pumasa sa kanilang pamantayan at mahina raw ang suporta ng mga mamamayan sa football kung kaya’t posibleng sa Indonesia na lamang ganapin ang dalawang laro.
Bilang protesta, hiniling ni Palami sa mga Filipino na ipakita sa mga organizers ang pagtutol at iparamdam ang suporta sa pamamagitan ng pagpadala ng e-mail sa web site ng Asian Football Federation.

Dumating na sa bansa kagabi ang RP football team pagkatapos ng matagumpay na kampanya sa Vietnam kung saan nakapasok ang Pilipinas sa final four sa kauna-unahang pagkakataon sa 16 na taon na kasaysayan ng Suzuki Cup.

Unang naitabla ng Pilipinas ang kanilang laban kontra 3-time champion Singapore, 1-1, pinabagsak ang defending champion Vietnam, 2-0 at naitabla ang laban kontra Myanmar, 0-0, upang pumangalawa sa Group B na pinangunahan ng Vietnam pagkatapos na talunin ang Singapore.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply