Francisco bagong WBA Champ

WALANG kiming dinurog ni Pinoy pug Drian Francisco (20-0-1, 16 KOs) ang kanyang kalabang si Duangpetch Kokietgym (52-2-1 ,21 KOs) sa kanilang sagupaan para sa WBA Interim Superflyweight title sa Thailand.

Dahil sa panalong ito ay posibleng iharap kay Francisco si WBA champ Hugo Cazares.

Sa unang bugso ay mabagal si Francisco habang ang kanyang uppercut ay nasasalungat ng Thai gamit ang kaliwa.

Nabawasan pa si Kokietgym ng puntos matapos masapol si Francisco ng low blow.

Kapwa naging epektibo ang dalawang fighters hanggang sa round ten subalit sa lakas ng uppercut ng Pinoy ay natumba ang Thai.

Ikinagulat ng mga Thai fans ang nagawa ni Francisco kaya natahimik sila kung saan nang ideklara siyang panalo ay naghiyawan ang mga ito.

Ang panalong ito ni Francisco ay nagpaalala sa mga boxing analyst sa nagawa ni Manny Pacquiao laban kay Shatchai Sasakul na nagbigay sa 8-division champ ng kauna-unahang korona.

Natuklasan na matagal pa bago nakabangon si Kokietgym at habang isinusulat ito ay kasalukuyan pa itong nakaratay sa ospital.

Ang fight ay ipalalabas sa Solar TV at Solar Sports sa December 6 bandang ala-una ng hapon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply