Ganito noon, Ganito rin ngayon

Parehong-pareho ang gustong gawin ni PNoy at ni PGMA pagdating sa paglustay ng pondo ng SSS at GSIS.

Pinahayag kamakailan na balak ni PNoy na gamitin ang pondo ng mahigit 25 milyong myembro ng SSS at 1.5 milyong myembro ng GSIS para tustusan ang planong PPP o Public-Private Partnership.  Ang PPP ay sentrong programang pang-ekonomiya ni Pnoy na nag-eenganyo sa mga malalaking negosyante at dayuhang kapitalista na pondohan ang mga proyekto ng gobyerno tulad ng mga tulay, kalsada, paliparan at iba pa.

Maglalaan ng pondo ang gobyerno at ganundin ang pribadong kapitalista at sa kalaunan isasapribado ang mga ito. Ibig sabihin, sa simula, kahit pa may pondo ang gobyerno at kasosyo nila ang pribadong sektor, ililipat din ang mga ito sa kamay ng mga kapitalistang namuhunan.

Di na bago ang ganitong programa.  Di na rin bago na pagnasaan ang malaking pondo ng SSS at GSIS para sa mga proyekto ng gobyerno.

Noong panahon ni PGMA, bilang pagtugon sa pandaigdigan krisis pang-ekonomiya na sumambulat noong 2008, nagbalak ang dating administrasyon ni Arroyo na gamitin ang P12.5 B na pondo ng SSS para idagdag sa diumano’y P100B na Public-Private Infrastructure Projects na bahagi ng P330B Economic Stimulus Program ng gobyerno para sa taong 2009.

Ngayon naman, balak din ni PNoy na kumuha ng pondo sa SSS at GSIS para makalikom ng P220B na counter-part ng gobyerno sa PPP.

Di natuloy ang balak ni PGMA noon dahil sa malawak na protesta mula sa iba’t ibang sektor laluna mula sa mga myembro mismo ng SSS. Ang sabi nila, hindi pwedeng gamitin ang pondo ng SSS at maging ng GSIS dahil ang mga ito ay pribadong pondo ng mga indibidwal na kasapi at hindi pondo ng gobyerno.  Nagsisilbing taga-pangalaga lamang ang gobyerno sa mga pondong ito.

Kung gagastusin man ang pondo, ito ay dapat sa direktang kapakinabangan ng mga myembro tulad ng emergency loans, livelihood projects, medical assistance, pagdadagdag ng pension, retirement benefits at iba pa.

Sa pahayag ng mga organisasyong Pamalakaya at  Alliance of Concerned Teachers, sinabi nilang hindi makatarungan ang paggamit ni Pnoy ng pribadong pondo ng mga myembro para sa pampublikong programa na gobyerno na sa kalaunan ay mga malalaking kapitalista at dayuhan lamang ang lubos na  makikinabang.

Ito ba ang sinasabing matuwid na landas na iba kay PGMA? Mukhang pareho lang pala. Liza Maza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply