GANTI (ika-45 labas)

SUMAKAY ang dalawang madre sa isang taksi.

Matiyagang sinundan ng grupo ang nasabing sasakyan.

Medyo malayo ang kanilang pinuntahan.

Sa isang seminaryo sila nagpahatid.

Nang makalayo na ang taksi na kanilang sinakyan at anyong kakatok na sila gate ng seminaryo, biglang huminto sa tapat nila ang SUV na sinasakyan ng anim.

“Sandali, mga sister. Puwede bang magtanong?” tawag ni Jordan.

Napahinto sa pagtawag sa gate ng seminaryo ang dalawang madre.

Bumaba sina Bart, Drigo, James at Morgan.

Lumapit sa dalawang alagad ng Diyos.

“Ano ho ba ang maipaglilingkod namin sa inyo?” nakangiting tanong ng isang madre.

Hindi nagsalita ang apat.

Biglang dinagit ang mga biktima.

May karakang tinakpan ang kanilang bibig upang hindi makahingi ng saklolo.

Mabilis nilang isinakay ang dalawang madre sa SUV.

Ilang saglit pa, parang walang nangyari na palayo na sila.

Tigas na iyak ng dalawang madre.

“A-Ano ba ang kailangan ninyo sa amin? Bakit ninyo kami dinukot?” luhaang tanong ng isa.

“Wala lang! Trip lang!” sagot ni Morgan saka malakas na tumawa.

“K-Kung anuman ang inyong binabalak, huwag na ninyong ituloy.

Matakot kayo sa Diyos!” sabi naman ng pangalawang madre.

“Sorry na lang siya. Hindi pa kami sawa sa paggawa ng kalokohan.

Saka na lang kami magsisisi. Hindi ba si Barabas, nagawa niyang patawarin pagkatapos gumawa ng maraming katarantaduhan? Idol namin siya!” sabi naman ni Jordan.

Tawanan ang kapuwa ulol na mga kasamahan.

Walang nagawa ang dalawang madre kundi umiyak na lamang.

“Saan ba natin dadalhin ang dalawang iyan?” tanong ni Jordan.

“Sa bahay bakasyunan namin sa Laguna. Safe tayo roon,” sagot naman ni Morgan.

Binilisan ng una ang pagpapatakbo sa SUV patungong Laguna.

Pauwi na sina Bogart sa mga sandaling iyon.

Tapos na ang ritwal na ginawa nila sa loob ng sementeryo.

“Sana’y maging epektibo ang plano natin, Helen,” sabi ng lalaki.

“Bahagi ito ng itinuro sa akin ni Lola Agueda. Sabi niya,  nagiging mabisa lamang ang hiram na kapangyarihan kung matalino ang gumagamit. Kaya importante na maging mautak tayo tayo sa paglaban kay Aling Dolores,” sagot naman ng dalagita.

Napatango na lamang si Bogart.

Kumbinsido siya sa sinabi ni Helen.

Samantala, tuloy pa rin sa pagbibiyahe ang tropa nina Patrick.

Nagbigay ng suhestiyon ang una.

“Hindi magandang nakadamit madre at may kuwintas na rosaryo ang kasama natin. Dalikado tayo,”  aniya.

“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ni Jordan.

“Baka masunog tayo oras na angkinin na natin sila!”

Sambulat ang malakas na tawanan.

“Para hindi tayo masunog, ‘di hubaran natin sila!” tumatawang sabi ni James na ikinatakot ng dalawang madre.

Pero may magagawa ba sila sa kahayupan ng mga kasama?

Pinagtulungan silang hubaran ng mga lalaking katabi nila hanggang sa magkawasak-wasak ang damit madre nila.

Panty at bra na lang nila ang natira.

Luwa ang mga mata ng anim sa nakita.

“Pamatay pala ang katawan ng dalawang gagang ito. Luma ang Wow Girls ni Willie Revillame!” nanlalaki ang mga mata sa pagnanasa na komento ni Jordan. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply