GANTI (Ika-46 labas)

HINDI malaman ng dalawang madre kung paano tatakpan ang nahubaran nilang katawan.

Napapaso sila sa titig ng anim na lalaki sa loob ng SUV.

Walang imikan ang mga ito …

Mababasa sa kanilang mga mata ang pagkagahaman sa laman.

Nang gulantangin sila ng malakas na busina ng kasalubong na ten wheeler truck.

Biglang kabig ni Jordan sa manibela pakanan upang hindi sila mabangga.

Galit ang mga kasama.

“Nagmamaneho ka’y kung saan-saan ka nakatingin. Muntik na tuloy tayong madisgrasya,” sabi ni Bart.

“Lugi kasi ako. Kayo lang ang nagpipista sa alindog nila. Dapat ako rin!” sagot naman ni Jordan.

Hinubad ni Morgan ang kanyang jacket at iniabot sa isang madre.

“Bago ka ma-rape dito sa loob ng sasakyan, takpan mo ang iyong katawan,” nakangisi niyang sabi.

Ginaya naman ni James ang kanyang ginawa.

Hinubad ang kanyang polo shirt at itinakip sa pangalawang babae saka binalingan si Jordan.

“Wala ka na ngayong masasabi. May kober na ang sexy bodies nila,” tumatawa niyang sabi.

Ipinagpatuloy na ni Jordan ang pagmamaneho.

Nang dumating sila sa Laguna, pinalitan siya ni Morgan sa harap ng manibela.

Siya na ang nagmaneho para hindi sila maligaw patungo sa kanilang bahay bakasyunan.

Nasa gitna pala ito ng isang malawak na pataniman ng iba’t ibang uri ng prutas.

Malaki ang bahay nina Morgan pero walang tao liban sa mag-asawang katiwala.

Nagising sila sa kanilang pagdating pero karakang inutusan ng una na bumalik na sa kanilang pagtulog para hindi sila maistorbo.

Nang bumalik na sila sa kanilang kuwarto, saka pinababa nina Morgan ang dalawang maalindog na bihag.

May busal silang panyo para hindi makagawa ng iskandalo.

Dinala nila ang dalawang babae sa itaas ng bahay bakasyunan.

Ideneretso sa loob ng isang malaking kuwarto.

“Ayos pala ang kuwartong ito. Parang kusina. May ref na puno ng canned beer, juice at mga prutas,” tuwang sabi ni Drigo habang iniinspeksiyon ang binuksang ref.

“Kuwarto ko ito,” pagmamalaki naman ni Morgan. “Kapag may guest akong bebot, dito ko siya dinadala at wala kaming ginawa kundi magseks. Walang labasan sa silid na ito hangga’t hindi kami nagsasawa.”

Tawanan.

Maya-maya’y ini-on ng lalaki ang naroong DVD stereo …

Sinalangan ng music …

Nilakasan ang tugtog para hindi matakpan ang makahayop nilang aktibidades.

Takot na nakasiksik sa isang tabi ang dalawang babae …

Yakap ang kanilang mga katawan …

Nag-iinuman naman ng beer sa kalapit ang anim na kalalakihan …

Nakakarami na sila.

Ang halos hubad nilang katawan ang ginagawang pulutan.

“M-Maawa kayo sa amin. Hindi kami masamang babae. Kung anuman ang binabalak  ninyong gawin, huwag na ninyong ituloy,” pagmamakaawa ng isang madre.

“Sorry dahil hindi namin kayo puwedeng pagbigyan. Marami na kaming natikmang babae pero hindi pa kami nakakayari ng madre at ngayon ang pagkakataong iyon,” nakangiting tugon naman ni Jordan.

Sa puntong ito nagtapang-tapangan na ang pangalawang madre.

Binantaan niya ang grupo.

“Isusumbong namin kayo sa mga pulis. Pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan!” aniya.

“Kahit magsumbong ka pa sa Sto. Papa, hindi kami natatakot!” tumatawang sagot naman ni Jordan saka sinimulang ubusan ang laman ng beer in can.

Matapos ito, tumayo na siya sabay tapon sa isang tabi ng basyong lata.

Nilapitan niya ang isang madre …
Dinakot niya ito sa buhok at malakas na hinaltak patayo.

“Kapag natikman ninyo kami, hindi na ninyo maiisipang ituloy ang pagmamadre.

Magpapalit na kayo ng career at tiyak na gugustuhin ninyong sa beerhouse na lang pumasok at maging GRO,” ngising demonyo na sabi ni Jordan.

Matapos ang sinabi, kinaladkad na niya ang babae patungo sa kama. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply