GANTI (Ika-50 labas)

MALUWAG ang kalooban na umuwi na sina Bogart at Helen.

Nakalikha na siya ng mga kaaway ni Aling Dolores.
Sila na ang bahala sa kapalaran ng matanda.

Bahala na sila ngayong magpatayan dahil pare-pareho silang malaki ang atraso sa kanya.

Samantala, binabalik-balikan ng mga police investigator sa seminaryo ang dalawang madre sa pagbabakasakaling makakuha ng lead para sa agarang ikadarakip ng mga kidnaper.

Pero hindi nila masabi kung saan ang lugar na pinagdalhan sa kanila ng mga suspek.

Nakapiring umano ang kanilang mga mata habang nagbibiyahe.

“Hindi namin alam kung saan nila kami dinala pero hindi namin makakalimutan ang kanilang pagmumukha. Oras na makita namin sila, maituturo namin sila sa inyo,” sabi ng isang madre sa apat na pulis na bisita nila.

Galit ang mga tao habang labis namang kinondena ng simbahan ang nangyari.

Dahil dito, nabulabog ang PNP sa inabot nilang komentaryo laban sa kanila.

Kesyo nagpapabaya raw sila sa trabaho kaya hindi ma-prevent ang pagkalat ng kriminalidad partikular ang naganap na pangingidnap sa dalawang alagad ng Diyos at muntik nang ikapahamak ng kanilang kapurihan.

Dahil dito, mismong ang pangulo na ang nagbaba ng mahigpit na kautusan.

Kailangang madakip ang mga kriminal at all cost.

Dapat silang magbayad ayon sa bigat ng kanilang kaselanan.

Napilitang kumilos ang kapulisan. Pinagana ang kanilang mga assets.

Kailangang magtrabaho sila nang husto para madakip ang grupo na nagpapasakit sa kanilang mga ulo.

Dahil dito, nagsimulang lumiit ang mundo nina Morgan, Bart, Drigo at James.

Natakot na silang gumimik.

Dalawa ang pinangingilagan nila ngayon.

Ang mga pulis at ang mangkukulam na naging dahilan ng kamatayan ng dalawa nilang kaibigan na sina Patrick
at Jordan.

Madalas silang magkakasama …

Hindi lumalabas ng kanilang safehouse para magpalamig.

Samantala, pinagana na nina Mr. Lagdameo at Mr. Alegria ang kanilang pera.

Gumamit sila ng mga asset para ma-locate ang kinaroroonan ni Aling Dolores.

Isa ang personal na nakarating sa bahay ng matanda sa isang liblib na lugar sa Antipolo.

Nagkunwari siyang manunulat na ang subject sulatin ay about sorcery.

At dahil nabalitaan kuno niyang marunong ng witchcraft ang matanda, inalok niya ito ng malaking halaga para mag-share sa kanya ng knowledge tungkol sa kapangyarihang itim.

Nabighani si Aling Dolores.

Biro mong babayaran siya ng dalawang daang libong piso kapalit ng kanyang kuwento.

Malaking halaga na sa kanya ito.

Nagpa-interview ang mangkukulam.

Ikinuwento niya ang pagiging takbuhan ng mga taong naaapi at hindi magawang ipagtanggol ang sarili.

Siya ang gumagawa ng paghihiganti para sa kanila.

Kabilang sa trabaho niya ang paghahasik ng lagim sa mga taong gustong pinsalain ng mga taong may kakayahang magbayad ng malaking halaga.

Noon din ay tinawagan ng asset sina Mr. Lagdameo at Mr. Alegria.

“Kumpirmado na, bosing. Nakarating na ako sa bahay ni Aling Dolores at nakaharap ko na siya,” tawag ng una sa pamamagitan ng cellphone.

“Good! Saan ang lokasyon niya?” tanong ng amo.

Sinabi ng alalay.

“Hihintayin ko kayo rito. Sinabi ko na kayo ang magdadala ng compensation para sa interview na isinagawa ko sa kanya,” sagot naman ng asset.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, nagdahilan ang asset kay Aling Dolores na parating na ang kanyang amo na siyang magdadala ng kabayarang ipinangako sa mangkukulam.

Tiwala naman ang matanda.

Walang kamalay-malay na set-up lang ang ginawa sa kanya. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply