GANTI (Ika-51 labas)

MASAYA ang mangkukulam. First time na makakahawak siya ng malaking halaga.

Mataas ang pangarap ni Aling Dolores.

Magbubukas siya ng sorcery school.

Ngayong patay na ang kanilang maestra na si Lola Agueda, siya ang papalit.

May ilang oras din silang naghintay.

Magmumula kasi sa Maynila ang tao na sinasabi ng asset.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang kanilang pinakahihintay.

Taka ang matandang babae.

Tatlong sasakyan kasi ang dumating.

Isang van at dalawang SUV.

Lalo siyang nagulang nang bumaba ang mga sakay nito.

Pawang armado.

Nakaramdam siya nang hindi maganda.

“A-Ano ang ibig sabihin nito?” tanong niya sa asset.

Ngumisi ang kaharap.

“Tapos na ang kasamaan mo, Aling Dolores. Pagbabayaran mo nang mahal ang sinapit nina Sir. Jordan at Patrick,” sagot naman nito.

“H-Hindi ko sila kilala at wala akong ginagawang masama sa kanila,” mabilis na tanggi ng matandang babae.

Hindi siya pinakinggan ng asset.

“Hulihin siya!” utos niya sa mga armado.

Mabilis namang tumalima ang mga ito.

Hindi nila kasama sina Mr. Lagdameo at Mr. Alegria kaya tumatanggap na lang ng utos ang asset mula sa kanila sa pamamagitan ng cellphone.

“Nahuli na namin si Aling Dolores, bosing. Ano ang gagawin namin sa kanila?” tanong ng alalay.

“Tapusin na ang matandang iyan. Sunugin siya nang buhay para matapos na ang kasaysayan ng mangkukulam na iyan!” galit na sabi ni Mr. Lagdameo sa kabilang linya.

Ang utos ng amo, mabilis na ipinasa ng asset sa mga alagad nito.

“Ang utos ng boss natin, patayin ang matandang iyan sa pamamagitan nang pagsunog sa kanya nang buhay!” sabi niya sa mga armado.

Mabilis nilang iginapos ang matandang babae sa isang puno at tinambakan ng mga tuyong kahoy ang paanan nito saka binasa ng gasolina.

Gimbal ang huli sa plano ng mga dumating.

“W-Wala akong kasalanan para gawin sa akin ang ganito,” reklamo ng matandang babae.

“Walang personalan ito, Aling Dolores. Trabaho lang. Sumusunod lang kami sa utos ng aming boss,” sagot naman ng asset.

Nagalit ang matandang babae.

“MGA HAYOP KAYO! HINDI MAGTATAGUMPAY ANG MASAMA NINYONG BINABALAK.
MAGBABAYAD KAYO SA AKIN NG MAHAL!” galit niyang sigaw.

Matapos ang sinabi, mariing pumikit si Aling Dolores.

Anyong matiim na nagko-concentrate.

Kinabahan ang asset sa posibleng magawa ng matandang babae.

“ANO PA ANG HINIHINTAY NINYO? SUNUGIN NA ANG MANGKUKULAM NA IYAN BAGO
MAKAGAWA NG PANGONTRA SA GAGAWIN NATIN!” malakas niyang sigaw.

Tumalima naman ang isang tauhan.

Nang biglang bumukas ang bibig ni Aling Dolores …

Mula rito naglabasan ang mababagsik na killer bees …

Hindi makapaniwalang napatanga ang may hawak na sulo …

Kaya bago niya nasindihan ang mga tuyong kahoy na binasa ng  gasolina sa paanan ng matandang babae, nasalakay na siya ng killer bees.

Hindi siya tinigilan ng mga ito hangga’t hindi napapatay.

Tila walang pagkaubos ang mga killer bees na lumalabas sa bibig ng matandang babae.

Parami nang parami …

Hanggang sa ang mga armado naman ang buong bangis nilang inatake. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply