Gawin na kayang tuloy-tuloy ang ceasefire sa pagitan ng NPA, AFP, PNP!

NAGSIMULA na ang ceasefire sa pagitan ng mga NPA, militar at pulisya simula noong gabi ng Disyembre 16, 2010 at matatapos ito sa gabi ng Enero 3, 2011.

Walang magpapaputok ng baril, walang mag-aambu-san, walang magpapatayan.

Wala ring hulihan at pam-bibilanggo o kaya’y likidahan.

Sa halip, mag-uusap-usap ang mga magkakalabang-panig kung paano lutasin ang kanilang mga sigalot.

Gaano mang kahirap ga-win ang lahat ng ito, ito ang pagkakaintindi natin sa sis-payr.

Sa katunayan, bahagi ang sispayr ng sinasabing pagka-karoon ng pagkakasundo sa loob ng tatlong taon.

Sana.

oOo

Talaga namang napakahalaga ng sispayr na pasimula ng hinahangad na kapayapaan ng lahi ni Juan sa lahat ng mga barangay na sinasalanta ng rebelyon o giyera sa pagitan ng mga NPA, sundalo at militar.

Ngayon ngang mga simbang gabi, imumungkahi ko kay Juan ipanalanging maging saksespul; ang sispayr.

Wataymen, sana’y ma-ging tuloy-tuloy na ito.

Matagal-tagal na rin, Suki, ang problema sa rebelyon ng mga kumrad.

Disyembre 26, 1968 ang itayo nila ang kanilang partido na Communist Party of the Philip-pines.

Ipinanganak ng CPP ang NPA bilang armadong puwersa nito noong Marso 29, 1969.

Simula noon, katakot-takot nang giyera at kaguluhan ang naganap dahil sa rebolusyon.

May barilan at patayan kahit saan, sa lungsod man o sa mga lalawigan at barangay.

Ilang libo na ang namatay dahil sa madugong rebelyon?

Ang sigurado, hindi na mabilang sa daliri lalo’t marami ang basta na lang naglaho na parang bula at walang nakaaalam kung patay na sila o buhay pa.

Sa mga panahong ito, hinahanap pa hanggang ngayon sina Jonas Burgos, Karen Empeno at Sherlyn Cadapan na dinukot ng mga militar.

Iniaanunsyo naman ng mga NPA ang kanilang mga bihag na naglalaho lang kung nahahatulang ng bitay ngunit  pinalalaya sa bilangguan makaraan kung hindi mapatunayang nagkasala sa isang hukumang bayan.

oOo

Ngayon nga ay nagsimula nang umiral ang kanya-kanyang tigil-putukan ng mga kumrad at sundalo at parak.

Sana naman, seryosohin ng magkabilang panig ang sispayr na ito para naman  hindi kamatayan at lungkot ang  darating  sa  pamilya  ni Juan sa Kapaskuhan kundi saya at maaliwalas na bukas.

Ang sabi, baka sa loob ng tatlong taon ay may mabubuo na pagkakasundo sa pagitan ng mga onorabol at CPP-NPA, kabilang na ang National Democratic Front.

Aba, kung maganap yan, maging beri hapi ang lahat.

Sa totoo lang, may mga dayuhang nakikialam at gusto tayong manatiling hati at nagpapatayan para lang mapanatili nila ang kanilang mga interes at negosyo sa bansa.

Itanong niyo pa kina Uncle Sam at Gen. Yamashita.

Kumita lang ang mga ito sa pamamagitan ng pagbe-benta ng mga armas, heli-kopter, kanyon, bala langis, sasakyan, eroplano at iba pang mga kalakal nila, hindi na baleng magpatayan ang lahi ni Juan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply