Gerald Anderson, Jewel Mische, Sarah Geronimo pinipilit sa love triangle

HINDI namin maintindihan kung bakit kailangan pagtalunan pa na magiging love triangle raw sa TV remake ng movie na Bagwis, sina Sarah Geronimo, Gerald Anderson at Jewel Mische, eh ang pagtatambalan naman nina Gerald at Jewel at isang soap at movie naman kina Sarah at Gerald.

Anyway, sa concert ni Mark Bautista ay nagkaroon kami ng pagkakataon na maitanong kay Boss Vic del Rosario na humahawak ng showbiz career ni Sarah na isa sa special guest ni Mark sa concert kung totoo na lilipat na sa TV 5 si Ms Sarah?

Pinagdiinan ni Boss Vic del Rosario na walang katotohanan ang naturang balita. Ayaw daw kasi muna ni Boss Vic na pagawain ng soap si Sarah dahil magsisimula na ang shooting ng Sarah at Gerald movie sa December 13.
At hindi rin raw totoo lilipat ang actress/singer sa TV5 dahil naka-kontrata pa rin ito sa ABS CBN.

NORA AUNOR, GUSTONG BUMALIK NG PINAS, ANG TANONG: MAY BABALIKAN PA BA SIYA?

Gustong ituwid ni German Moreno na may sinabi siyang gustong umuwi ng Pinas ni Nora Aunor pero problema ang ticket sa eroplano.

Ayon kay Kuya Germs, ipinarating niya sa mga TV network na interesado kunin ang serbisyo ni Aunor ang ticket nito pabalik ng Pinas

“Kung gusto nilang pauwiin si Guy ng Pinas, dapat lang na sagutin nila ang ticket at titirhan nito habang nandito at nagta-trabaho,” pahayag ni Kuya Germs.

Ang ipinagtataka ni Kuya Germs kung saan nanggaling na may sinabi raw siyang kailangan ni Nora ng ticket sa eroplano para makabalik ng Pinas. At bakit raw may Noranian na nagsasabing ipinapahiya niya ang Superstar.

“Ako pa, ang magpapahiya kay Guy. Hindi ko magagawa sa kanya yan. Ako ang pinakahuling tao na maninira kay Guy,” say pa ni Kuya Germs.

Tsika ng Master Showman, seryoso raw talaga si Guy na magtrabaho uli dito, lalo na may maganda offer ang alinman TV station.

Kung walang magiging aberya sa pagbabalik ni Nora ng Pinas, bukod sa offer or project na gagawin ay possible rin daw asikasuhin ng Superstar ang naging malaking problema nito sa isang beauty clinic na nagretoke ng kanyang mukha.

Ang tanong ng mga detractor ni Ate Guy. May babalikan pa raw ba ang Superstar?

****

Hiyang-hiya si Iza Calzado nang makarating sa kanya na ginawan siya ng kanta ni Mark Bautista at crush pa siya ng singer na nag-launch ng kanyang ika-limang album kamakailan sa Teatrino Theater Greenhills, San Juan.

Sinabi ni Mark sa harap ng mga tagahanga at kapwa singer sa launching album niyang “Nagmamahal: Mark Bautista” na may isang kanta siyang ginawa nasa album na inialay niya kay Iza Calzado

Hindi tuloy makapaniwala si Iza na magiging inspirasyon ni Mark para gawan ng kanta.

“Totoo yan? Nakakaloka naman yan! Nakakatuwa naman. Salamat naman kung ganoon,” bungad ni Iza.

“Hiyang-hiya naman ako niyan. Nagkikita naman kami ni Mark sa Party Pilipinas, wala naman akong nakikita sa kanya. Lagi ko nga siyang inaasar. Wala akong masasabi kundi thank you,” patuloy ni Iza.

Ayon pa kay Iza, sakaling ilu-launch sa Party Pilipinas ang album ni Mark ay willing siyang maging bahagi sa production number nito.

Samantalang ngayon endorser na si Iza ng Sabella na ang dating endorser ay si Sunshine Dizon ay hindi maiiwasan intrigahin muli ang dalawa.

Sabi ni Iza, hindi na raw isyu yan dahil kay Sunshine niya nakilala si Ramon Sabella at matagal na raw silang binibihisan ng Sabella at alam daw yan ni Sunshine kaya wala na raw intriga sa kanila.

Ang isa pang ikinagulat ni Iza ay tsikang gagawa siya ng movie with Thai actor na si Amanda Everingham na ididirek ni Tikoy Aguiluz.

Nahihiya raw tuloy siya dahil di naman niya alam kung ano ang naging usapan nina direk Tikoy at Amanda. Wala raw napagkasunduan kung may gagawin ba sila?

Hintayin na lang daw kung mayroon nang final na napagkasunduan.

****

Nakatsikahan namin si Joel Cruz sa kanyang condo sa Roxas Blvd kamakailan at ayon sa big boss ng Aficionado perfume nakuha niya ang serbisyo ni Charice Pempengco para maging isa sa mga celebrity na endorser ng bago niyang scent perfume, with Gary Valenciano.

Pero nang tanungin namin kung magkano ang talent fee hiningi sa kanya or ibinayad niya sa serbisyo ni Charice na isa nang international singer sa tulong ni Oprah.

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Joel. Nangako raw siya kay Charice na walang makakaalam kung magkano ang naging usapan nila pagdating sa talent fee.

Anyway, magkakaroon ng grand launching para sa nasabing perfume cologne sa Mall of Asia, Concert Ground sa January 11, 2011 at magpe-perform din si Gary Valenciano sa naturang event with Parokya ni Edgar.

Speaking of Gary V, nilinaw ni Mr Pure Energy na hindi nila inunahan ni Charice ang Valentine concert nina Martin Nievera at Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum. Wala raw ganoon isyu at kumpetisyon dahil magkaibigan matalik ang dalawa (Gary at Martin).

Dahil nakuha ni Joel ang serbisyo ni Charice, mawawala na ang hinala ng ibang producer na mahirap nang kunin ang serbisyo nito dahil sa pag-aakalang sobrang taas at abot langit na ang talent fee niya kaya hindi na siya malapitan ng iba para mag-endorse ng produkto.

Napatunayan ito ni Joel na can afford pa rin naman ang talent fee ni Charice, Dahil diyan, makikipagsabayan na ang bulilit na anak-anakan ni Oprah Winfrey kina Sarah Geronimo, KC Concepcion, Kim Chiu, Angel Locsin atbp sa paramihan ng mga commercial endorsement. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply