Gerilyang bookies sa Pasay; Nancy, ang reyna ng “Easy 2” sa South Metro

ANO itong nabalitaan natin na may mga nagsasamantalang bangka ng iligal na bookies ng karera sa Pasay City?

Ito ay sa kabila ng paghihigpit ni Mayor Tony Calixto tungkol sa nasabing sugal matapos na  boluntaryong ipatigil ni Frankie Jo ang kanyang bookies bilang pagsunod sa mariing tagubilin ng alkalde ng lungsod.

Ayon sa impormante natin, ang mga nagpapatakbo ng gerilyang bookies ay itong sina Toto Lacson, Len Aguado at itong si Tonton Hynes, na malimit pa raw kaladkarin ang pangalan ni Mayor Calixto sa kanyang iligal na bookies.

Ang puwesto raw ni Tonton ay sa may palengke ng Libertad samantalang kay Toto Lacson naman ay sa loob mismo ng sabungan ng Pasay na pag-aari naman ng talunang kandidato na si Connie Dy.

May OTB (off-track betting) station daw sa sabungan pero nagsisilbi lang daw ito bilang “front” ng bookies ni Lacson.

Samantalang si Aguado naman ay patalon-talon ng puwesto sa paligid ng Pasay, bagay na tawaging ay gerilyang bangka.

May hinala ang impormante natin na mismong kay Aguado ang iligal na bookies sa may Gotamco St., Pasay City kung saan isang “pulis” ang nagsisilbing “front” daw ni Aguado.

Pero hindi lamang daw ito ang mga puwesto nitong sina Lacson, Hynes at Aguado sa Pasay City. May ilang butas pa daw sila na ini-ride on sa bangka nitong si Frankie Jo na hindi nalalaman ng huli.

Mabuti na lang daw at tumigil itong si Frankie Jo matapos mag-deklara si Mayor Calixto na walang sinuman ang pupuwedeng maglagay ng bookies sa Pasay.

Ang ginawang pagtigil ni Frankie Jo ay pagpapakita lang na nirerespeto niya ang butihing mayor ng lungsod.

Pero ano kaya ang magiging reaksyon ni Mayor Calixto kapag nalaman niya na may operasyon ng bookies itong sina Toto Lacson, Len Aguado at Tonton Hynes sa kanyang lungsod?

Tablado agad itong sina Lacson at Aguado nang maupo bilang ama ng lungsod si Mayor Calixto. ‘Yan ay kahit may ginamit pang padrino ang mga ito kay Mayor noon.

Katuwiran ni Mayor Calixto, matagal na ring kumita itong sina Lacson at Aguado sa bookies ng karera sa Pasay kaya’t dapat lang na magtigil na sila.

Nguni’t bakit pilit pa rin kumikilos ngayon sa Pasay City ang dalawang gambling lords na ito. May bago kayang padrino sila ngayon?

Alam na rin kaya ito ng kaibigan nating hepe ng Pasay City police na si Senior Superintendent Napoleon Cuaton?

Sir, ako na mismo ang makikiusap sa ‘yo. Paki-huli nga ang lahat ng butas ng bookies sa Pasay nitong sina Toto Lacson, Len Aguado at Tonton Hynes para hindi malugi ang Philippine Racing Commission at ang lahat ng lehitimong OTB sa lungsod.

oOo

SI Nancy pala ngayon ang “reyna” ng “Easy 2” – sugal na hango sa palaro ng PCSO — sa halos buong bahagi ng southern Metro Manila.

Tanging Pasay City lang daw ang hindi kinayang lagyan nito si Nancy ng kanyang iligal na sugal. Pero humahakot naman ito ng milyun-milyong kuwarta sa Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Pateros, Taguig at Makati.

Style-jueteng ang Easy 2 nitong si Nancy dahil wala naman siyang betting stations. Gamit niya ay sandamukal na mga kabo at kubrador na nag-iikot kada bahay para mangalap ng taya.

Dating jueteng ang linya nitong si Nancy (kasama niya noon si Elmer Nepomuceno na ngayon yata ay kunsehal na ng isang lungsod sa eastern Metro Manila) pero umiba ng linya nang maghigpit sa jueteng.

Mukhang ubod ng lakas nitong si Nancy kay Chief Supt. Jose Arni delos Santos, ang director ng Southern Police District (SPD).

Magkano naman kaya ang kapalit na halaga? Puwede bang malaman, sir?

oOo

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply