Gold sa Olympics, target ng PHL team

KUMPIYANSA si National boxing coach Roel Velasco na matitibay ang kanyang mga nakuhang boksingero mula sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at ito ang magbibigay ng ginto sa Pilipinas sa 2012 London Olympics.

Ayon kay Velasco, bronze medalist sa 1992 Barcelona Games, ang magkapatid na Rey (flyweight) at Vic Saludar (lightflyweight) ay kabilang sa mga inaasahan ng bansa upang makuha ang inaasam nitong Olympic gold medals.

“Bukod sa determinado, masunurin sa mga itinuturo ng kanilang coach, kaya naman nagiging successful sila. Wala pang ere sa katawan,” sabi ni Velasco.

Una nang sinabi ng magkapatid na hindi pa doon nagtatapos ang pagsungkit nila ng medalya sa Asian Games.

“And target po namin noong kami ay mapili sa national team ay ang makamit ang minimithing Olympic gold medal. Kaya ito ang pipilitin naming maabot hanggang kaya namin sa pamamagitan ng puspusang preparasyon,” ayon sa 23-anyos na Saludar.

Maging sina bowler Biboy Rivera at world billiards champion Dennis Orcollo ay nagnanais na tumulong sa bansa upang makakuha ito ng ginto.

“The Philippine Bowling Congress has allowed me to train exclusively with my personal coach, Madoka Amano, so wala nang sagabal sa ensayo ko. Nahirapan kasi ako nitong nakaraang taon dahil sa ensayo sa personal coach ko tapos ensayo na naman sa national team coach, kaya medyo naapektuhan ang laro ko,” pahayag ni Rivera.

Sinabi naman ni Orcollo na lalaro muna siya sa iba pang international events bilang paghahanda para sa 2011 Southeast Asian Games na gaganapin sa Indonesia.

“Ang unang paghahandaan namin ay ang World Pool Masters in Las Vegas later this year. Then I’ll also compete in several world-class tournaments in the US para paghandaan na rin ang SEA Games,” ayon kay Orcollo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply