Gov. ER, demonyo man sa pelikula, anghel naman sa tunay na buhay

LATE  ngang dumating sa kanyang pa-Christmas party si Laguna Governor ER Ejercito pero sulit naman ang matagal na paghihintay ng mga  imbitado.  Napakarami namang ipina-raffle nito. Para ngang puwede nang sabihing pinakabongga na siya sa mga raffle parties ngayong taong ito. Bongga talaga ang mga raffled items and cash.

Tinalbugan niya si Ate Vi sa dami ng ipina-raffle.Talbog din ang sa ABS-CBN at yung kay Perry Lansigan na manager ni Dingdong Dantes.

Kasama si Governor ER sa Si Agimat at si Enteng Kabisote bilang kontrabida. Hanga kami sa kanya dahil kahit kontrabida ang papel niya sa pelikula, bida naman siya sa tunay na buhay.

“Demonyo ang role ko dito,” nakangising sabi pa ni Governor.

Nalala tuloy naming ‘yung slant na sinulat ng isang katoto sa press na demonyo raw sa pelikula pero anghel naman sa tunay na buhay ang taong ito.

At least, napatuanyan naming true yung slant sa laki ng mga papremyong binigay niya sa mga press people.

Kasama niya sa Christmas party ang mga anak: tatlong nag-gagwapuhang lalaki at cute na bunsong babae. Maganda ang kumbinasyon nina Maita at ER. Artistahin lahat ang mga anak pero gusto raw nilang unahin muna ng mga ito ang pag-aaral. Cesar Pambid

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply