Gradweyt sa pablik iskul, SUCs sakto lang sa mababang suweldo

MASANGSANG ang amoy ng programa ng pamahalaan para sa kolehiyo at unibersidad, lalo na ang state universities and colleges.

Malinaw na hindi prayoridad ng pamahalaan ang mga nasa kolehiyo at unibersidad kumpara sa mga nasa elementari at haiskul.

Ayon sa mga raliyesta na estudyante, kasama ang kanilang mga propesor, kinat ang badyet ng nakarararaming SUC.

Derpor bababa ang kalidad ng kanilang edukasyon at magbubunga ng pagtataas ng kanilang bayarin na labis na ikapipinsala ng tsansa nilang makatapos ng kolehiyo.

Bakit nga hindi naisipan ng mga nasa matuwid na daan ang mga katwiran ng mga raliyesta?

Bakit hindi nila naisipang  alalayan nang todo ang mga naririyan na sa pinis layn?

Hindi ba alam ng mga mokong na onorabol na ang mga nakaaabot sa kolehiyo ay ang mga nagpupursiging makatapos ng pag-aaral upang higit na pakinabangan ng buong lipunan ang mga kabataan?

Hindi rin yata maliwanag sa mga onorabol na higit na nakararami sa mga nag-aaral sa kolehiyo ay galing sa mga mahihirap na pamilya ngunit nagpupursigi sila na makapasok sa kolehiyo at makatapos ng mataas na edukasyon.

At sila ang hindi sumuko sa mga pagsubok sa elementarya at haiskul kaya sila nakarating sa mga kolehiyo at unibersidad.

oOo

Katwiran mga onorabol, kailangang higit na maihanda ang mga nasa elementari at haiskul para hindi maging palpak ang mga ito sa kolehiyo.

Beri gud yan.

Kaya naman bubuhusan nila ng pondo sa taong 2011 at susunod pang mga taon  ang mga nasa mababang paaralan samantalang maghihinay-hinay lang sila ng suporta sa state universities and colleges.

Sabay sabing meron namang pinagkukunan ang mga SUC ng mga pondo, kabilang na ang pagtataas ng tuition fee at iba pang mga bayarin.

Waaaat???

Ang katwirang ito ang hindi matanggap ng mga SUC kaya naman lumiliyab ang dila ng mga ito sa mga lansangan.

Dito tayo nakikiisa sa mga SUC at mag-aaral sa mga ito.

oOo

Habang nagaganap ang lahat ng ito, may naaamoy pa tayong masangsang.

Maalaala ninyo, Suki, ang sinasabi ng mga onorabol ngayon na pagdating ng haiskul, dapat makapasok na sa trabaho ang mga haiskul gradweyt?

At kaugnay ito ng programang 7th grade para sa elementarya at fifth year sa high school.

Wataymen, hindi ba mas gusto ng mga onorabol na isalang sa trabaho ang mga haiskul gradweyt kesa mga kalids gradweyt?

Kung inaakala ninyo, Suki, ay mababaw na puntong ito, nagkakamali kayo.

Simple lang para sa mga negosyante ang usaping ito.

Ang haiskul gradweyt ay mababang pasahod ang katapat at tiyak silang magkakaproblema sa sahod sa kalids grads.

Eh marami sa mga onorabol ang employer, negosyante o kasabwat ng mga negosyante sa pagpapairal ng mababang sahod.

Sa mababang sahod higit na kumikita ang mga negosyante kaysa makipagkompetensiya sa kapwa nila negosyante. Gets niyo, Suki?

Kung mali tayo rito, eh di magpaliwanag ang mga onorabol na panay ang kaway sa mga negosyante na pumarito dahil mababa ang sahod ng mga obrero na haiskul grads o undergrads. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply