Grand fans day kaya ginawa sa Star City; Glaiza de Castro, manager, pinagbabayad ng P50,000 sa mall

ANG dating kinaiinisan at kinasusuklaman dahil sa pagganap na kontrabida, ngayon ay hinahangaan ng all ages at iniidolo pa magmula nang gumanap na Grazilda na si Glaiza de Castro.

Nabura ang pagiging kontrabida niya kaya naman binigyan na rin siya ng kanyang talent management, ang DMV ng sariling niyang first grand fans day sa Activity Center ng Star City yesterday.

Bago hinarap ni Glaiza ang sangkatutak na fans na talaga naman naghintay sa kanyang pagdating ay tsinika namin siya sa back stage.

Twice na siyang dinala sa ospital dahil sa stress at over fatique at hindi dahil sa may sakit siya sa puso.

“Sobrang pagot at stress nagsama kaya nanigas ang buong katawan ko habang nagte-taping ng Grazilda. Ayoko sana magpadala sa ospital dahil magastos (kahit na sinagot ng production ang gastos sa ospital). Puwede naman sa bahay na lang pero mapilit sila,” tsika ni Glaiza na simpleng-simple sa kasuotan pero lumutang naman ang kagandahan at kaseksihan.

Masayang-masaya si Glaiza dahil nakapagpatayo na siya ng bahay sa Commonwealth na tinitirhan nila ngayong mag-anak.

“Hindi ako nagrereklamo. Dahil sa ibinigay nilang project na isang mabait at bida ako ay nagbago ang pagtingin ng mga tao sa akin. Hindi na nila ako kinaiinisan at kinasusuklaman. At ang importante ay nakagpaipon ako para makapagtayo ng sariling bahay. Salamat sa GMA 7 at manager ko (Manny Valera) sa pagtitiyaga hanapan ako ng magandang proyekto,” say pa ni Glaiza.

Ngayon may bahay at kotse na siya, Ano pa ang susunod na bibilhin niya o ipupundar?

Nagulat kami sa isinagot ni Glaiza, Sabi niya kasi: “Gusto ko makapag-abroad. Hindi pa ako nakakapunta ng ibang bansa. May pasaporte ako pero magmula pa nang magsimula ako ay hindi ko pa rin ito nagagamit.
Expired na yata ito, kailangan i-renew,” natatawang tsika pa ni Glaiza sa amin.

Hanggang 3rd week pa raw ng December ang last taping day niya sa Grazilda pero magtatapos pa ito next year kaya magkakaroon siya ng pagkakataon makapagpahinga at makasama ang mga mahal niya sa buhay sa Pasko.

****

Sa fans day pa rin ni Glaiza nakatsikahan namin ang manager niya si direk Manny Valera,

Natawa at nagulat kami sa naging sagot ni direk Manny kung bakit sa Star City ginawa ang first grand fans day ni Glaiza?

“Sa Enchanted ang gusto sana namin pero kailangan umarkila kami ng dalawang bus na magbabayad ako ng P25, 000 para sa bus lang. Saka super layo para sa mga fans ni Glaiza.

“Kung sa SM naman, sinisingil kami ng P50,000 para lang sa venue na pagdarausan ng fans day. Ang laki ha, hindi pa kasama doon ang mga gagamitin speaker atbp gamit sa stage.

“Dito sa Star City, walang bayad at pagkatapos ng fans day ay puwede pa mag-enjoy ang lahat ng kaniyang fans dahil may ticket na ibinigay pa sa amin ang management ng Star City,” mahabang tsika ni Direk Manny.

Pinatotohanan din ng manager ni Glaiza na tuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Glaiza at Dennis Trillo na “Aswang.”

Magsisimula silang magshooting sa 3rd week of December na ididirek ni Topel Lee.

***

Hindi pa sigurado kung makapagte-taping si Manny ng Show Me Da Manny, sitcom ni Pacman kasama sina Marian Rivera, Lovi Poe, Rochelle Pangilinan, Paolo Contis, Benjie Paraz atbp, ngayong Martes.

Baka next week pa ito makapag-taping dahil sa hectic ng schedule pero tiniyak naman ng kampo ni Pacman na gagawa ito ng paraan para maisingit ang pagte-taping ng kaniyang sitcom dahil love na love niya ito at hindi niya magagawang pabayaan ang mga kasamang artista ngayong tapos na ang laban niya kay Antonio Margarito.

Sigurado sa araw ng taping ni Pacman ng “SMDM” ay dobleng celebration ang magaganap dahil una nga ay pagwawagi niya sa laban kay Margarito at ikalawa ay pagwawaging Best Comedy Show ng Show Me Da Manny sa katatapos na 24th PMPC Star Award for TV. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply