Gusot sa peace talks, paplantsahin ng 5 araw

LIMANG araw lamang ang bubunuin ng peace panel ng gobyerno at rebeldeng komunista para ayusin ang mga isyung tatalakayin ukol sa muling pagsisimula ng peace talks ng magkabilang panig.

Sinabi ni Alex Padilla, government chief peace negotiator, na sa Enero 14-19 ang preliminary talks sa pagitan nila at ng National Democratic Front (NDF) kung saan ihaharap ang mga isyung tatalakayin at kung hanggang saan ang kakayanin ng diskusyon.

Sisimulan ang formal talks sa Pebrero 15 at matatapos ito sa Pebrero 21.

Ani Padilla, isa sa mga idudulog ng government panel ang ukol sa sinisingil na revolutionary tax ng New People’s Army (NPA).

Ilegal ang pangongolekta ng buwis ng mga rebelde dahil gobyerno lang ang lehitimong maningil ng buwis, ayon kay Padilla.

Apektado aniya ang mga malalaking negosyante partikular ang sektor ng pagmimina sa paniningil ng revolutionary tax ng NPA. Kris Jose

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply