Gwen Zamora, bagong apple of the eye ni Aljur Abrenica

CHARACTER ACTRESS, TINAKBUHAN ANG KINAINANG KARINDERYA

MISERABLE na talaga ang buhay ng isang character actress  dahil tinakbuhan diumano ang kinainang karinderya sa Kalentong.

Tumakas daw ito at hinabol ng may-ari. Nag-sorry naman daw ang character actress at pinatawad ng may-ari. Nagpakilala pa raw ito  at sinabi ang pangalan niya.

Sana raw ay sinabi na lang niya na wala siyang pera. Nahabag ang may-ari ng karinderya sa  pinagdadaanan ng character actress. Hindi nga raw niya ito nakilala dahil iba na ang hitsura.

Sana nga naman ay magka-project ngayong 2011 at silayan siya ng araw.

‘Yun na!

-0o0-

Si Gwen Zamora ang itinuturong bagong apple of the eye ni Aljur Abrenica. Buong ningning na sinasabi ni  Gwen na wala siyang planong makipag-date for now pero may nakakita sa kanila ni Aljur na magka-date. Ano’ng tawag dun?

“It just so happened that we were both free and we saw each other in GMA. So, yun. Kakatapos lang niyang mag-workshop. Tapos ako, sa Bubble Gang, tapos na rin. So, nandoon na lang kami.

Hindi yun planned,” paglilinaw niya.

Sige na nga!

-0o0-
Pinakamatinong pelikula ang’ Rosario’  sa  Metro Manila Film Festival  na sinimulang noong Dec. 25.

‘Wag na nating sabihing ang pelikula’ng dark horse, but what we are trying to say, is that hindi po ito mangungulelat gaya ng sabi ng ilan,” sabi ng isang katoto nang pag-usapan ang  nagkalat na billboard nito sa EDSA.

Marami nga naman ang naku-curious at nagsasabing  panonoorin nila ang Rosario.

At mas lalo sigurong malakas ang dating ng Rosario kung mananalo pa ito ng ilang major awards. Halos tiyak na kasi na makakopo ito ng mga awards dahil nga sobrang ganda ang pagkakagawa ng pelikulang ito.

Balitang sama-samang nanood sa MOA ang family ni Manny V. Pangilinan, family ni Albert, family nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo at family ng staff sa Cinema 2. Inayusan ang sinehan para magmukhang 1920s.

May cameo role sa movie si MVP as himself at kuwento ni Albert, nahirapan siyang mapapayag itong lumabas kasama si Dolphy. Nang pumayag, tatlo lang sila sa kuwarto, si MVP, si Albert at si Dolphy.

Isa sa pag-uusapan sa Rosario ay ang eksenang pinunasan ni Jennylyn ang hubad na katawan ni Yul Servo. Sexy and erotic ang eksenang ’yun at para mapapayag ang aktres, pinangakuan siya ni Albert na hindi siya bababuyin sa eksena.

May eksena ring halos kita ang hubad na buong likod ni Jennylyn at sina Ricky Davao at Sid Lucero naman ang kanyang kaeksena rito.

‘Yun na!

-0o0-

Todo talaga ang performance ni Ai Ai  delas Alas sa “Ang Tanging Ina Last Na ‘To!” ng Star Cinema at hindi kataka-takang  mapansin ng mga jurors ang magaling performance. Lalo na sa eksenang matapos niyang magpaiyak, babanat siya ng nakakatawang linya, huh! Sa eksenang nalaman niyang meron siya brain tumor, umarya na ng drama si Ai Ai. Tulo luha agad siya na ramdam na ramdam ang damdamin ng isang inang
iiwan na ang mga anak na nasa poder pa niya. Eh, hindi lang ang eksenang ‘yon may dramatic moment si Ai Ai.

Memorable ang eksenang nagkita sila ng anak niyang si Marvin Agustin na akala niya ay nasa abroad pero nasa bansa pa lang!  Pero ang pinakabonggang dramatic scene ni Ai Ai ay nang sumambulat na ang galit sa mga nag-aaway na anak! Ibang klaseng emosyon ang ipinamalas ang Comedy Queen lalo na’t torn siya sa duties niya bilang ex president at bilang inang naghihinagpis!

Klik na klik ang scene na matapos niyang umiyak nang major, major, nagawa pa niyang humirit ng punch line kesehodang hulas na ang kanyang eyeliner na nahalo sa luha niya!

Of course,  given na ang husay sa comedy scenes ni Ai Ai gaya ng batuhan nila ng linya ng gumanap na kasambahay niya, ang eksena niya with Eugene Domingo sa ambulansiya, sa doctor kung saan may spoof ang eksena nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz sa “In My Life,” ang paninira niya kay Empoy habang naglalakad sa simbahan kasama ang anak niyang si Shaina at maging ang paglalandi niya kay Piolo Pascual na may cameo role sa movie, sabog ang buong sinehan sa tawanan at palakpakan!

Tunay ngang lumutang na ang kahusayan ni Ai Ai hindi lang sa komedi kundi pati na rin sa drama sa “Ang Tanging Ina!” Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang, “Gusto kong manalo ng best actress award!”

Pero ang mahigpit niyang kalaban ay si Jennylyn Mercado para sa ‘Rosario’.‘Yun nga lamang!

JOEL CRUZ, SINISIRAAN NI HAYDEN KHO?

HINDI napigilan ng may-ari ng Afficionado Germany Perfumes and Joel Cruz signatures last Monday na sagutin ang mga diumano’y paninira sa kanya ni Dr. Hayden Kho.

Matatandaan kasing naglabas din ng sariling perfume si Hayden under his name at ayon sa iba, sinisiraan daw nito ang Afficionado ni Joel.

‘Yung bago ngayon na lumalabas, kasi, this is a perfume. Ang perfume, mabango. So, dapat, kung ilalagay mo yung pangalan mo diyan, dapat mabango ang pangalan mo,” pasaring niya na ang tinutukoy ay ang pangalan ni Hayden.

Pero ganunpaman ay hindi raw sila threatened at wine-welcome raw niya ang competition.

“But you know, ang consumers naman, sila naman ang magsasabi kung bibilhin nila ang produkto mo o hindi. They know naman kung maganda ang iyong image, ang iyong character at ang iyong personality mo, at kung ano ang naging role mo rito sa Pilipinas.

“Pero kung bad man ang naging role mo sa Pilipinas at nilagay mo ang pangalan mo sa pabango mo, I don’t think na qualified ka sa pabangong ibenebenta mo,” mataray na pahayag ni Joel.

Ano naman ang Christmas message niya for Hayden?

“Pag malapit ka naman sa Diyos, ibibigay Niyang lahat. So, yun lang ang wish ko sa kanya, siguro kailangang maging malapit siya sa Panginoon para maging dire-direstong maganda ang career niya.

Samantala, masayang-masaya ang tinaguriang The Lord of Scents and “Celebrity Duets” season 2 grand winner dahil nakuha niyang bagong endorsers sina Charice Pempengco at Gary Valenciano.

Magkakaroon ng 3 variants patented name si Charice at si Gary naman ay magkakaroon ng 2 variants aptly called Gary Valenciano for Aficionado.

Kaugnay nito ay magpo-produce ng isang malaking concert si Joel which will feature Charice and Gary V. together for the first time na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Grounds on Jan. 8, 2011.

Dubbed as “1@11”, iso-showcase din sa concert ang top male and female models ng bansa wearing Joel Cruz Signatures’ newest apparel collection. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply