Hearing sa pulis na sangkot sa Luneta hostage taking, sinuspinde

PANSAMANTALANG sinuspinde ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagdinig laban sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa madugong hostage para  mabigyan ng pagkakataon  na makapagsumite ng kanilang counter affidavit hanggang Enero 10, 2010

Nabatid, na itinakda noong Lunes, Disyembre 20, 2010 ang  unang araw sa pagdinig ng NAPOLCOM laban kina Chief Supt. Rodolfo Magtibay, dating district director ng MPD; Supt. Orlando Yebra; Chief Inspector Santiago Pascual, dating hepe ng Special Weapon And Tactics (SWAT), MPD at SP02 Gregorio Mendoza, kapatid ng napatay na suspek na si Sr. Inspector Rolando Mendoza.

Ngunit, nagsampa ang abogado ng mga akusado  ng  “motion for extension time to file” upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga ito upang sagutin ang  kasong isinampa sa kanila.

Kinatigan naman ng NAPOLCOM sa pamumuno ni Atty. Ferdaussi  Masnar, chairman ng Ad-Hoc Committee ang kanilang inihaing mosyon.
Nagpasya ang pamunuan na sa darating na Enero 20, 2011 ang itinakdang pagdinig sa naturang kaso kung saan binigyan ng deadline ng NAPOLCOM na hanggang sa Enero 10, 2011 dapat naisumite na nila ang kanilang mga sagot hinggil sa kasong kanilang  kinakaharap.

Matatandaan,  na sina Magtibay; Yebra; Pascual at Gregorio ay nasangkot hinggil sa madugong hostage noong Agosto 23, ng taong kasalukuyan sa Quirino Grand Stand, Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply