Heart Evangelista iniintriga kay Dennis Trillo

NAGTE-TAPING pa lang sina Dennis Trillo at Heart Evangelista para sa ‘Dwarfina’  ay iniintriga na. Hindi raw ba nag-aalala ang bida ng ‘Rosario’ na si Jennylyn Mercado na baka ma-link ulit si Heart kay Dennis?

“Wala akong kailangang ipag-alala at wala akong… hindi ko kailangan ng mga ganyan dahil wala akong ganyan sa katawan. “Wala akong selos at ano sa katawan dahil malaki naman ang tiwala ko kay Dennis, at kaibigan ko si Heart, sana huwag nilang gawan ng intriga,” bulalas ni Jen.

First  Christmas pa  nina Jennylyn at Dennis na magkarelasyon. Natural na magkasama sila sa espesyal na okasyon na ito, pero bago iyon, mangingibang-bansa bilang bakasyon si Dennis at ang kanyang buong pamilya kasama ang anak na si Calix.

“Pupunta kami sa kanila, pupunta rin kami sa amin para lang fair, di ba? Tapos siguro magse-celebrate din kaming dalawa,” sey pa ni Jennyln na  excited dahil sasakay na naman siya parade ng Metro Manila Film Festival 2010 para sa filmfest entry nilang ‘Rosario’.

****

Pinag-uusapan ang ginawang kanta ni Mark Bautista na “OK Lang’ para  kay Iza Calzado. Kasama kasi ito sa bagong album ni Mark na “Nagmamahal”.

Gandang-ganda kasi si Mark kay Iza at nababaitan ito kaya ginawan niya ng kanta  kahit alam niyang may boyfriend na ito.

Na-flatter naman si Iza at nagpapasalamat siya kay Mark.

‘Yun na!

****

Kontrobersyal ang billboard ng ‘Willing Willie’ kung saan ay magkasama sina Willie Revillame at Shalani Soledad dahil nagkaroon  ng intriga.

How true na  ang original plan ay kukuning endorser si Shalani ng naturang apparel brand? Nag-deny na si Kris Aquino sa kanyang Twitter Account na hinarang niya ang  pagiging endorser ni Shalani ng naturang produkto.

Ang malinaw na tanong ng bayan.Totoo bang nagkaroon ng negosasyon na kuning endorser si Shalani ng Bench? At  totoo bang  nakialam si Kris  tungkol dito?

Sey ni  Ben Chan, hindi totoong magiging endorser si Shalani . may billboard daw na lalabas  kay Shalani  pero bilang co-host ni Willie sa Willing Willie.

Hindi rin daw totoo  nakipag-usap sa kanya si Kris para itigil ang  nasabing billboard.

Anyway, abangan na lang  ang ’Willing Willie ‘ sa pangunguna nina Willie Revillame at Shalani Soledad sa Lingayen, Pangasinan sa Dec. 18. Malapit ito sa seaside at city hall.

-0o0-

Posibleng si Toni Gonzaga raw ang bagong Box Office Queen dahil sa tagumpay ng ‘My Amnesia Girl’ pero nandiyan pa si Ai Ai delas Alas na puwedeng humakot ang kanyang pelikulang  ‘Tanging Ina Mo..Last Na ‘To’

“Ayoko muna isipin yun kasi baka ‘di naman mangyari. Basta masaya lang ako sa reception ng tao. Iwanan na muna natin sa ganon. Saka na natin isipin ‘yan kasi kung kanino naman talaga ‘yan, para sa kanya ’yan.

Siyempre nakaka-overwhelm lang na[nagrerequest na sila agad ng part 2 nung premiere night dahil wala naman kaming history ni Lloydie na pinagsamahan. Tignan natin kasi hindi pa naman tapos yung showing,” deklara ng aktres-tv host na ngayon  ay bonggang-bongga na ang box office appeal.

Tsuk!

-0o0-

Paskung-Pasko pero masalimuot ang pinagdadaanan ng talent manager at director na si Charlotte  Dianco.

Isang comebacking male starlet ang may black propaganda sa kanya  sa 1.5 M na hinawakan nito at ginastos para  sa isang indie movie.

“Masaya ka na ba na nakapanira ka ng tao? Ni hindi mo alam ang puno at dulo ng kuwento, naglabas ka na ng sarili mong version. Ipinapako mo na ako sa krus dahil sa chismis at black propaganda. Paano kapag napatunayan ko (at kaya kong patunayan) na ako ang inosente at ako ang biktima sa lahat ng ito, mababawi mo ba lahat ng pinagsasabi mo- sa lahat ng tao? Sorry  lang ba ang katapat ng paninirang puri?,” shout out ni Charlotte sa FB.

“Nakakalungkot. Nasa akin ang kontrata, material ng pelikula na  tinapos ko.Ako pa nga ang biktima dito dahil ako ang ginulo at pinagbantaan sa harap ng maraming tao sa set. Di ko ugali na manloko. Pinalaki  akong may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa. Ayaw ko ngang mag-file ng libel sa kapwa ko manunulat, lalo na yung situwasyon namin coz may misinformation na naganap. They want to create an issue para pag-usapan siya at ang pelikula- at my expense,” paliwanag sa amin ni Charlotte sa text.

“Gagamitin lang nila ako para pag-usapan kahit makasakit ng damdamin. Kung may legal, claim sila, they can file in court and I will answer. Ni subpoena sa akin, wala.Alam kasi nila na natapos ko na ang pelikula,” dagdag pa ni Direk Charlotte.

“Napakaliit nga nu’ng 1.5 para makagawa ng movie, pero iginapang ko. They’re claiming kasi na 1.5M daw ay katumbas ng 3 movies dito sa Pilipinas.Josko! Walang Himala!”

“Three shooting days sa isang resort sa Tanay, Rizal, 2 shooting days sa Marikina, 1 day shoot Manila to Tagaytay and 1 day shoot sa US. Imagine that, kulang pa ang 1.5M na ‘yan kasi may post production pa ako.

May promo pa ako.E, kaso ganitong promo yata gusto nila. Malinis ang konsensya ko.Ginawa ko ang nasa kontrata,” bulalas pa ni Charlotte.

Clear?! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply