Helper nag-amok, mag-ina patay, 2 sugatan

DALAWA ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang mag-amok ang isang helper sa loob mismo ng bahay ng mga biktima sa General Santos City, Miyerkules ng gabi.
Batay sa report ng dzXL, naganap ang insidente dakong 11:00 p.m. ng Miyerkules, kung saan napag-alamang nakainom ang suspek na si Samuel Tahil, 37, nang mag-amok sa bahay ng kanyang amo sa Bulaong Village.

Kaagad na namatay ang Filipino-American na si Faith John Anderson, 10 habang namatay din ang kanyang ina na si Josephine na nadala pa sa malapit na ospital sa naturang lugar.

Nakilala naman ang mga sugatang kapitbahay ng mga biktima na sina SPO4 Amuran Tanug at ang kanyang anak na lalaki na hindi pa nakikilala.

Nabatid na isang April Rose Bulanon ang humingi ng tulong kay Tanug upang saklolohan ang mag-ina na kaagad namang nirespondehan ng pulis.

Nang akmang ililigtas na ni Tahug ang mga biktima, kaagad tinaga ni Tahil sa binti ang pulis at sinunog pa ang kasamang anak nito na tinamaan naman sa braso.

Tumulong  na ang mga kapitbahay sa pag-awat kay Tahil kung saan nagtagumpay ang mga ito na dalhin ang suspek sa pulisya.

Batay sa report ng dzXL, nagawa lamang umanong mag-amok ng suspek dahil sa lagi na lamang itong pinapagalitan ng mag-ina. Pinagsisisihan naman umano ng suspek ang kanyang nagawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply