Hermes bag, regalo ni Kris kay Abunda

BONGGA talaga magmahal ang isang Kris Aquino sa mga taong itinuturing niyang tunay na kaibigan. Ibang klase rin magregalo sa kanyang mga kaibigan si Kristeta, lalo na sa mga taong talagang malapit sa kanya, tulad ni Boy Abunda.

Kung si Pokwang ay isang pink bus ang kanyang ibinigay, tsika naman na nakarating sa amin na regalo niya kay Boy Abunda ay isang malaking Hermes bag. Ito raw ‘yung kasama sa top of the line na Hermes bag collection at natural na appreciate ni Kuya Boy ang nasabing gesture ni Kristeta.

Samantala, tama ang naging hula ni Kris na mangunguna sa MMFFP ang movie nina Bong Revilla at Vic Sotto naka-P 31 M ang first day, number two ang movie ng best friend niyang si Ai Ai delas Alas na “Tanging Ina, Last Na `To” naka-P20 M at pangatlo naman ang kanyang “Dalaw” naka-P12.5 M.

Pang-apat ang Shake Rattle & Roll 12” with P 11.8 M, nasa fifth slot naman ang “RPG Metanola” with P5.1 M. Pang-anim ang Super Inday and The Golden Bibe with P4.7 M, seventh is Rosario with P3.2 M, at nasa last slot naman ang Father Jejemon ni Mang Dolphy with P1.4 M.

ARIEL-CRISTINA DECENA DEDMA SA INTRIGA SA KANILANG KASAL

Hanggang ngayon ayaw pa rin tantanan ng pagdududa ang TV host na si Ariel na ginagamit lang niya ang businesswoman na si Cristina Decena.

Marami kasi ang nagulat nang biglang magkasamang dumating sa okasyon ang dalawa at sinabi na nagpakasal na sila.

Hindi tuloy maalis sa isip ng iba na gusto lang gamitin ni Ariel si Ms. Decena kaya pinatulan ito?

“Gaya nang sinabi ko sa mga interview sa akin before, ipinanganak na akong natutulog na may air-con sa aking kuwarto kaya hindi ako apektado ng mga paninira nila,” say ni Ariel nang makatsikahan namin sa opisina ng wife niyang si Cristina.

Pagtatanggol naman ni Ms. Decena sa husband na si Ariel: “Kahit ano pang intriga ang gawin nila sa amin, we really love each other at ngayon ko lang naranasan na may nag-iintrega sa akin ng kinikita ng isang lalaki. At kay Ariel lang yun..

Pinatunayan naman ni Ariel na hindi kayamanan ni Cristina ang habol niya kundi ang totoong nararamdaman niyang pagmamahal.

“Sa akin normal lang yan ganyan. Gaya ng reaksyon ng ibang tao regarding our marriage, yung sinasabi nila na marriage for convenience raw yung sitwasyon namin. Okey lang yun for as long as kami naman mismo eh, nagmamahalan nang totoo,” katuwiran pa ni Ariel.

Samantalang nilinaw din ni Ariel na kaya sila sinibak sa GMA 7 ay dahil sa kanilang kayabangan ni Maverick.

“Alam ninyo, in this business you really cannot please everybody. Basta kami ni Maverick, ginawa lang namin yung best namin. Hindi namin sinadyang yung panahon na nasa GMA 7 pa kami. And as far as I know, may grupo raw sa network na ayaw sa amin kaya hindi na kami pinag-renew ng kontrata. But it`s okey and fine with us. Kasi nandiyan naman ang TV5 na kahit paano ay nagtiwala pa rin sa amin,” say pa ni Ariel.

PAO CHIEF ATTY. ACOSTA, NAKIPAG-SHOWBIZ

Bihirang makausap at maka-bonding ng entertainment writers ang PAO Chief na si Atty Persida Acosta na host ng programang Public Atorni sa TV5 na napapanood every Thursday ng gabi.

Isa rin siya sa tatlong tagapayo ng show ni Amy Peres sa “Face To Face” at mahalaga ang kanyang ibinabahaging kaalaman sa mga legal matters, kahit sa usaping pampamilya.

Nang magpaunlak si Atty Persida para dalawin ng PMPC carolers ay nagkaroon ng pagkakataon ang showbiz press na makilala nang husto ang mabait at napaka-down to earth na PAO Chief.

Dati ay medyo ilag at aloof sa kanya ang ilang reporters dahil sa pag-aakala na seryoso at istrikto ang isang may katungkulan na tulad ni Atty. Acosta, nabago ang impressiong ito dahil very accommodating at friendly pala ang abogado sa personal.

At impressed din ang mga bumisitang entertainment press kay Atty. Acosta dahil sa malalaking kaso kanyang hinahawakan at naipanalo.

Naipakita rin niya sa dumalaw na press ang baklas daw passaporte ni Hubert Webb. Si Atty Persida ang abogado ng Visconde Massacre.

Anyway, kung pakikisama sa media ang naglapit noon kay Atty. Joji Alonzo sa mga reporters, it seems kayang-kaya rin itong tularan ng PAO chief na rin sa mga TV personalities at regular na napapanood sa Public Atorni at Face To Face. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply