9M katutubo hindi nabibilang sa census

MAHIGIT sa siyam na milyong katutubo ang hinihinalang hindi napapabilang sa pambansang census ng Pilipinas.

Ito ang nagtulak kina Bayan Muna partylist representatives Teodoro Casiño at Neri Javier Colmenares na maghain ng isang panukala na naglalayong ibilang sa national census ang pinagmulang tribu o ethnic origin ng mga katutubo.

Ayon kay Casiño, maraming katutubo ang nag-ugat sa Luzon, Visayas a Mindanao ang hindi nagiging bahagi ng population survey.

Kabilang dito ang mga Tingguian, Isneg, Ibaloi, Kankanaey, Itawes, Malaweg, Yagad, Bugkalot, Gadding, Agta, Ati Dumagat, Mangyan, Bangon, Tadyawan, Alangan, Iraya, Buhid, Taobuhid, Hanunuo, Ratagnon, Tagbanwa, Malbog, Batak, Taut bato, Manobo, Bagobo, Bilaan, Tiruray, Mandaya-Mansaka, Subanen at Mamanwa.

Tinatayang aabot sa 10 hanggang 15 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas o 9.1 na milyon ang kabuuang bilang ng mga katutubo sa bansa.

Nakapaloob sa House Bill 1460 na ang ethnicity indicator ay maaaring magpalinaw sa demographic data ukol sa mga katutubo.

Anang mga mambabatas, maging ang pag-survey ng wika at dayalekto ng mga katutubo ay makatutulong sa pagpapalalim ng kaaalaman sa mga ethno-linguistic group sa bansa. Meliza Maluntag

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply