Hiling ni Ping Lacson, dinedma ni De Lima

DEDMA sa Department of Justice (DOJ) ang kahilingan ng kampo ni Panfilo Lacson na susuko lamang ang senador kung magsasagawa muna ng reimbestigasyon kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case.

Ani DOJ Secretary Leila de Lima, imbes daw na maglatag ng kondisyon si Lacson na wala namang legal na batayan, mas marapat na sumunod ang nagtatagong senador sa “judicial at legal process” ng criminal justice system ng bansa.

Matatandaang umalis ng bansa si Lacson noong January 5, 2010 bago siya sampahan ng kaso na nag-aakusang siya ang mastermind sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Ayon pa kay De Lima, batid ni Lacson na bilang pugante, walang karapatan ang senador na magbigay ng kondisyon sa pamahalaan.

Ang kahilingan na reinvestigation  ni Lacson ay tatalakayin lamang sa sandaling lumantad siya at harapin ang kasong kinasasangkutan.

Sa ngayon umano, hindi maaaring gumalaw ang DOJ sa motion for reinvestigation ng senador na nakabinbin sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila RTC Branch 18.

Bukod dito, mayroon pang apela ang senador sa Court of Appeals kaya’t tali ang kamay ng DOJ sa kahilingan ni Lacson, ayon sa kalihim.

“Given his stature, Senator Lacson has no reason to fear that he will be treated differently and persecuted by the government,” ani De Lima.

“But his refusal to return to the fold of the law and observe the legal processes will only galvanize the government’s resolve to take him into custody. Not to persecute him, but to enable him… to properly face his accusers, and to defend his innocence in the only venue where it can be sufficiently  proven,  in a court of law”, dagdag pa niya. Teresa Tavares

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply