Hiling ni Lacson na reinvestigation malabo na- DOJ

INISNAB ng Department of Justice ang hiling ni Sen. Panfilo Lacson na muling imbestigahan ang kaso ng Dacer-Corbito double murder case sa pagsasabing malabo na itong mangyari.

Ito ang tugon ni Justice Secretary Leila de Lima sa pinakahuling pahayag ni Lacson na lalantad lang siya kung mabibigyan ng tamang hustisya, kasabay ang hirit na gamitin umano ng kalihim ang plenary power na hilingin sa korteng iurong ang isinampang impormasyon at magsagawa ng reinvestigation.

Batay sa panayam ng DZMM, sinabi ni De Lima na nagamit na ni Lacson ang lahat ng available legal remedies tulad ng mga isinampang motion for reconsideration at motion for reinvestigation, na ibinasura naman ng korte.

Dagdag pa ni De Lima, bukod pa ang petisyon ni Lacson sa Court of Appeals (CA) kahit mayroon pang ibang mosyong nakabinbin sa lower court.

Giit ni De Lima, mahirap na bigla na lang siyang makikialam para magsagawa ng reinvestigation gayong mismong ang senador na ang humiling sa korte na baguhin ang posisyon nito sa usapin ng probable cause.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply