Hindi kompetisyon ang film festival–Dolphy

IPINAHAYAG  ni Comedy King Dolphy na sa ika-36th Metro Manila Film Festival (MMFF), mas mahalagang mapasaya ang mga manonood o makuntento sila sa mga pelikula kay sa kikita ng limpak-limpak na pera!

Official entry sa naturang film festival ang “Father Jejemon” na si Dolphy ang bida. Si ZsaZsa Padilla, singer-actress, and co-producer ng pelikula. “Ang hirap pala ang mag-produce ng pelikula,” sinabi ni ZsaZsa. Ngunit hindi naman siya nag-rereklamo dahil masayang-masaya sa bago niyang role sa buhay nilang dalawa ni Dolphy.

Nakakatawa ang pelikula na “Father Jejemon,” base sa trailer na napanuod namin. Nilagyan pa ng “masamang amoy,” dahil sa isang eksena, may pumutok na “mabahong singaw ng hangin,” na si Dolphy rin ang nakapansin!

Sana hindi negatibo ang epekto ito dahil kasama lang ito sa nakaugalian nang pagpapapatwa ng Comedy King.

May kasabihan na pag may pelikula si Dolphy. Tinatawag ito na special event! At hanggang ngayon, sa kanyang edad na iginagalang, wala pang nagkapagtagumpay na sapawan siya bilang Comedy King.

Paminsan-minsan may sumusulpot ngunit hindi sila nagtatagal sa eksena.

Gumagaya kasi sila. Dapat gagawa sila ng sarili nilang orihinal na estilo ng pagpapatawa.

Kay Dolphy, kahit paulit-ulit na ginagawa niya ang nakakatawang eksena ay walang pagsasawa ang mga nanunuod dahil si Dolphy nga siya!

Mapapatunayan uli ito sa pagpalabas ang “Father Jejemon” sa darating na 36th MMFF sa Disyembre 25.

KRIS, AYAW MANALONG BEST ACTRESS

Samantala, sinabi rin ni Kris Aquino na maging kuntento na siya sa pangatlong puwesto ang kanyang pelikulang “Dalaw,” ang kanyang official entry sa nasabing film festival.

“Tama na sa akin ang pangatlo,” idiniin ang premyadong actress na binansagan  “Horror Queen” dahil sa malaking tagumpay sa takilya ang mga naunang pelikula niya na horror at suspense. Kabilang ito ang “Sukob” at “Feng Shui.

“At ok rin sa akin na kikita ang ‘Dalaw’ ng P100 million!” itinuloy niya.

Siya kaya ang Best Actress sa film festival?

“Ayaw ko, ayaw na ayaw ko ang manalong Best Actress,” idiniin ni Kris. “Magiging kontrobersya lang ang ibubunga dahil si Noynoy (her brother president) ang nag-appoint sa chairman ng MMDA na chairman din ng film festival. Sabihin ng mga tao na hindi patas ang pagka-panalo ko at kawawa naman ang kapatid ko!” ikinatuwiran ni Kris.

Tungkol naman sa kanyang status, baka daw main-love naman daw siya uli sa 2011! Sinundan niya ito ng halakhak at hindi natin alam kung nagpapatawa siya o hindi! Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply